Fadingheartbeats
- Reads 8,401
- Votes 149
- Parts 10
She loves cooking-the kind na humihingi ng perfection. Every dish ay maingat na sinusukat, patiently tinitingnan ang oras, at niluluto nang may puso at intensyon. Sa kusina niya, ang mistakes ay hindi basta lessons-challenges sila para mas gumaling pa. Para kay Maxine, cooking is love made visible.
Si Maxine Jane Valdez ay isang second-year college student na pinanganak sa hirap ng buhay. Maaga siyang napilitang magtrabaho nang mawala ang kanyang tatay, para masuportahan ang kanyang nakababatang kapatid na may sakit. Nagtatrabaho siya bilang personal maid ng lalaking lihim niyang minamahal-ang kanyang crush-habang patuloy niyang hinahabol ang pangarap na maging isang chef.
Habang mas lumalalim ang nararamdaman ni Maxine, mas bumibigat ang katotohanang unti-unting lumalantad. Paano kung ang lalaking mahal niya ang siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang tatay? Paano kung siya rin ang taong minsang sumira sa buhay niya? Sa pagitan ng pag-ibig at katotohanan, pipiliin pa rin ba niyang magmahal, o hahayaan na lang niya ang tadhana ang mag desisyon?