Casanova Series
7 kuwento
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin ni CeCeLib
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
CeCeLib
  • MGA BUMASA 61,328,101
  • Mga Boto 1,124,456
  • Mga Parte 26
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang isip nila nila ni Krisz Romero. Walong taon na ang nakalipas pero pinipilit pa rin nito na magpakasal sila, to the point na kaya nitong ibigay ang katawan nito sa kanya para lang magpakasal siya rito. Train knew that he was in trouble when he felt the beast between his legs awakened at the sight of Krisz nakedness. Pero matigas siya at hindi basta-basta papayag na maapektuhan ng pagnanasa niya sa dalaga ang desisyon niya. But, when his father suffered a heart attack, he had no choice but to succumb to his father's wish. And that was to marry Krisz Romero. Bilang mabuting anak, pumayag siya sa hiling ng ama. Pinakasalan niya si Krisz at habang lumilipas ang mga araw na mag-asawa sila, tinatanong niya ang sarili, nagpakasal ba talaga siya kay Krisz dahil 'yon ang kagustuhan ng ama niya o dahil 'yon sa kagustuhan niyang maangkin ang dalaga gabi-gabi at legal na maging pag-aari niya? CECELIB | C.C. WARNING: MATURE CONTENT | P-18 COMPLETED
BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRAT ni fedejik
BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRAT
fedejik
  • MGA BUMASA 4,323,610
  • Mga Boto 130,349
  • Mga Parte 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago. Kung magbabalik siya sa kalayaan ay puwede lamang niya iyong ikapahamak pati na rin ng kanyang mga mahal sa buhay. Kaya pinili niya ang magtago kasama si Russel Dylan Dela Rosa na hindi man lang niya nakikilala. She was indeed attracted to Russ dahil sa perpektong pisikal na anyo nito. At nang mabigyan siya ng pagkakataong makilala ito ay higit niyang nagustuhan ang pagkatao nito. Unti-unti siyang nabago dahil sa pag-ibig dito na hindi niya alam kung may patutunguhan. Dahil alam niyang kapag bumalik sa dati ang buhay niya, possible rin itong maglahong parang bula at maiiwan siyang luhaan.
LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle) ni fedejik
LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)
fedejik
  • MGA BUMASA 42,923,857
  • Mga Boto 448,159
  • Mga Parte 93
Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya parang kontrata lang ang tingin niya sa Isang relasyon. Kapag hindi siya nakuntento ay tatapusin lang niya iyon na parang walang nangyari. Hanggang sa makilala niya si Adison Lane. Isang inosente at magandang babae na nakapukaw ng kanyang atensyon. Noong una'y pagnanasa lang ang mayroon siya para rito, pero habang tumatagal ay nabubuo ang damdaming kinatatakutan niya noon pa. At iyon ang makaramdam ulit ng pag-ibig. At kahit na takot, ay sumubok ulit siya sa pagmamahal nito. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Unti-unting nauungkat ang madilim na nakaraan na alam niyang magpapalayo nang tuluyan kay Adison sa kanya.
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction) ni fedejik
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
fedejik
  • MGA BUMASA 54,171,669
  • Mga Boto 760,575
  • Mga Parte 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae hanggang sa makilala niya ang pinsan ng kanyang kaibigan na si Jordan. Si Jordan ang kabaligtaran ng pinapangarap niyang babae pero tuluyang bumihag ng kanyang puso. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat pero sa bandang huli'y siya rin palang makakasakit sa kanya. ******** WARNING: RATED SPG! No need to read Loving Sebastian Greene to understand this story, okay? But I hope you'll enjoy this one like the way you enjoyed my other stories. Readers should be at least 18 y/o and above. Thank you!
CRAZY IN LOVE ni fedejik
CRAZY IN LOVE
fedejik
  • MGA BUMASA 1,749,155
  • Mga Boto 51,154
  • Mga Parte 54
Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang tingin sa iba at nagpamukhang in love kahit na nga ang totoo'y hindi naman. Ngunit magagawa nga bang magpigil sa damdamin ni Chance kung simula pa lang ay baliw na baliw na siya sa pagmamahal kay Baby Girl?
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published) ni fedejik
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)
fedejik
  • MGA BUMASA 18,649,477
  • Mga Boto 332,097
  • Mga Parte 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at certified Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacienda. Doon niya nakilala si Janella na anak ng kanyang yaya. At dahil sa natural siyang mapaglaro sa babae ay 'di pa rin niya naiwasang ilapit ang sarili dito dahil iniisip niyang init lang ng katawan ang lahat. Pero habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng mga bagay na 'di niya naramdaman para sa ibang babae. Pero sa kabila noon ay tinalikuran pa rin niya si Janella. Hanggang sa magkrus na naman ang kanilang landas. At noon n'ya napatunayan kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Pero paano pa nga ba niya mapapaniwala si Janella kung nakatakda naman siyang pakasal sa iba?
HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop Fiction ni fedejik
HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop Fiction
fedejik
  • MGA BUMASA 6,329,609
  • Mga Boto 172,734
  • Mga Parte 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto kahit pa sa babae. Nang makilala niya si Natalia, isang club stripper, ay naranasan niya ang matanggihan. Na-challenge siya rito kung kaya ginawa niya ang lahat para lamang makuha ito. Pero nang mabigyan siya ng pagkakataong makuha ang kanyang gusto ay tila nag-iba na rin ang nararamdaman niya para rito. Hanggang saan nga ba siya dadalhin ng pag-ibig niya rito kung patuloy lang ding magbabalik ang nakaraan ni Natalia? Handa nga ba siyang manindigan hanggang sa huli?