daphnelallaine12's Reading List
6 stories
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw  by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 60,891
  • WpVote
    Votes 2,299
  • WpPart
    Parts 20
. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit ng gulo. Gulong pagsisisihan niya dahil kapalit nito'y magiging mortal siya! Makakaranas ng mga nakakatakot na pangyayari sa mga kalahi niya, ang mga busaw. Paano niya haharapin ito kung nawala na sa kanya ang lahat? This is the 5th book of Busaw Series. By: ionahgirl23 Started: Dec. 09, 2015 .
BUSAW 3: AIRINA, Ang Ulapirang by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 219,759
  • WpVote
    Votes 5,052
  • WpPart
    Parts 28
. . “Bakit tayo lang ang kakaiba sa kanila?" nakuha kong tanungin ang katabi kong nakatingin rin sa mga kumakain Bahagya niya akong nilingon at ngumiti. “Dahil espesyal ka... ikaw ang prinsesa, reyna at ang.”tiningnan niya ako sa mukha pababa sa aking leeg ;“Luthena... ang nag-iisang ulapirang na kayang gawin ang lahat nang nanaisin, ang magpapatuloy sa lahi natin.” Nakakagulat ang kanyang sinabi kung tutuusin pero ‘di ko alam kung bakit parang wala lang sa akin ang narinig ko. “Bakit sila ganyan, ikaw.... ako?” ‘di pa rin ako makahanap ng sagot sa pag-iiba ng mga anyo namin. “Sila’y pangkaraniwang ulapirang lamang samantalang ako’y anak ni Amang Gimbawan at sa isang busaw na nakilala ko si Lucas.”sagot niya at tumingin sa likuran ko kaya napatingin na rin ako. “Ama, tuloy ba ang lakad mamayang gabi?” Tahimik lamang na tumango ang may katandaan ng nilalang na kapareho ng mga nagsisipagkainan. “Baka gustong sumama ng ating mahal na Luthena para maiba naman ang nakikita niya...”bahagyang tumango ang matanda sa akin kaya napatango na rin ako.“Alam kong maraming tanong sa isipan mo mahal na Luthena pero hahayaan kong kusa mo itong madidiskubre... darating ang araw na maiintindihan mong ikaw ang nakatalaga.” Nakapag-isip na naman ako sa sinabi niya pero sinarili ko na lamang ito. Napatingin ako sa iilang ulapirang na nagsipagtayuan habang pinupunas ang nagkalat na laman at dugo sa kanilang mga bibig. “Anong hayop ang kinakain nila?”wala sa sariling nasambit ko lamang pero nahagip ng mga mata ko ang mabilis na paglingon ni Ezekiel sa akin. “Mortal... mga sanggol Airina.” by ionahgirl23 . .
Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 401,055
  • WpVote
    Votes 6,965
  • WpPart
    Parts 32
. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG DUGO ANG KANILANG ALAM? KILALANIN NATIN SINA LORENZO AT AGATHA AT ANG KANILANG KAKAIBANG KWENTO. === "Manghuhula ka ba?” parang bata akong nagtatanong ngayon ng mga walang kwentang bagay pero sinasagot naman niya. “Ehemmm.” tumango lang siya at susubuan sana uli ako nang umiling na ako at humiga lang sa kanyang kandungan, tiningala ko siya. “Bakit?” tanong niya sa akin. “Sinong magiging asawa ko kung ganun’?” Sumubo siya habang ang mga mata ay nasa akin pa rin. “Ako.” Napangisi ako sa sagot niya at nang hindi ko na mapigilan ang tawa ko ay napatawa na nga ako ng malakas. “Ha haha g*go... seryoso ako eh tsaka may mahal ka ngang iba.” bungisngis ko pa rin pero nawala lahat ‘yun nang yumuko siya at titigan ako. “Wala na akong magagawa ‘dun, ang kapalaran ay kapalaran.” lalo pa siyang yumuko at halos naaamoy ko na ang hininga niya. L*ko, senyas ko at piningot ko ang ilong niya. Umusog na ako sa tabi niya at humiga sa katabi niyang unan... A FANTASY HORROR, ADVENTURE LOVE STORY WRITTEN BY IONAHGIRL23. . .
BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Busaw by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 150,516
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 27
. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila??? ********** "Sabihin mo na ang kailangan mo, ang gusto mong makuha para sa madaling panahon ay makaalis ka na rito.” aniya at tinitigan ako habang itinataas ang zipper ng pantalon niya. “Maipapangako ko ang kaligtasan mo ngayong gabi pero sa pagsikat ng araw at sa muling pagkalat ng dilim ay ‘di ko na hawak ang pagkakataon... alam na nila ang tungkol sa’yo.” Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang bumalik siya sa dati niyang kinauupuan. “S-sinong sila?” nakuha kong itanong. Wala kasi akong alam na sabihin kundi’ naiisip ko lamang ngayon na ganito pala katindi ang resulta nang paghahanap ko lamang sa gamot ni Stella. Hindi agad siya sumagot. Maayos siyang humarap sa akin at kahit ‘di ko na naman nakikita ang buong mukha niya’y alam kong tinititigan niya ako. “Sinong sila?” ulit niya. “Sila lang naman... ang kapatid ko, maaaring pati ang mga magulang ko at malamang... ang mga kalahi ko.” Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko. Buong angkan ba ng halimaw ang gustong pumatay sa akin? Doamne, te rog ajută-mă... (Lord, please help me...) by: ionahgirl23 . .
WALO #Wattys2016 by MeasMrNiceGuy
MeasMrNiceGuy
  • WpView
    Reads 54,830
  • WpVote
    Votes 670
  • WpPart
    Parts 6
Upang ibigin siya ng babaeng pinakamamahal niya, kailangan niyang patayin ang walong lalaking aakyat ng ligaw, o may lihim na pagtingin sa babae. At sa walong lalaking iyon ay kailangan niyang kunin at iaalay ang walong puso nila sa diyablo. Kapag nakompleto niya iyon, matutupad ang kanyang kahilingang magsasama sila ng habang-buhay ng babaeng kanyang pinaka-iniibig. Tatanggapin kaya ng lalaki ang kondisyon? Hahayaan niya bang mabahiran ng kasamaan ang kanyang mga kamay? O susundin ang ninanais na mapansin siya ng taong kanyang minamahal? Paano kung ang huling pusong hihilingin ng diyablo sa iyo ay ang mismong puso mo, iaalay mo pa rin ba?
Si Prinsesa Magda by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 79,040
  • WpVote
    Votes 2,810
  • WpPart
    Parts 24
Walang kasing bait. Ngunit wala ring kasing bagsik. Hindi inakala ni Magda na magbabago ang takbo ng kanyang pamumuno ng dahil lamang sa isang taong hindi niya naman kadugo. Dahil sa isang pangakong binitiwan ay malalagay sa panganib ang kanyang buong nasasakupan, mailigtas lamang ang pamilya ni Kadyo, ang kanyang kinikilalang kapatid na minsan nang pinagtangkaang burahin ng kanilang ibang kalahi. Magawa niya kaya silang maprotektahan hanggang sa huli? Kasama na ang kanyang sariling buhay? Isang istorya ng dalawang magkaibang nilalang at ng pangakong binitiwan. Isang maigsing kuwentong kathang-isip lamang. Ang alin man pong nakakahawigan ng sa inyo ay hindi sinasadya, marahil ay pareho lang po tayo nang naisip. June_Thirteen's "Si Prinsesa Magda" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.