romances
5 stories
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 18,691,896
  • WpVote
    Votes 332,618
  • WpPart
    Parts 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at certified Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacienda. Doon niya nakilala si Janella na anak ng kanyang yaya. At dahil sa natural siyang mapaglaro sa babae ay 'di pa rin niya naiwasang ilapit ang sarili dito dahil iniisip niyang init lang ng katawan ang lahat. Pero habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng mga bagay na 'di niya naramdaman para sa ibang babae. Pero sa kabila noon ay tinalikuran pa rin niya si Janella. Hanggang sa magkrus na naman ang kanilang landas. At noon n'ya napatunayan kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Pero paano pa nga ba niya mapapaniwala si Janella kung nakatakda naman siyang pakasal sa iba?
LOVE CONTRACT by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,361,990
  • WpVote
    Votes 23,766
  • WpPart
    Parts 38
Hindi naniniwala si Min sa pag-ibig. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang maiahon ang pamilya sa hirap. Kaya naman nang makilala niya si Lee, isang Fil-Amboy, hindi na niya iyon pinakawalan. Gusto niyang makarating sa America at alam niyang magagawa niya iyon kapag pinakasalan siya ni Lee. Ang hindi niya alam, iba naman ang intensyon ng lalaki. Handa itong pakasalan si Min upang hindi na bumalik pa sa America. Kung kaya naman umabot sila sa puntong gumawa sila ng isang kontratang magtatali sa kanila sa pag-ibig na hindi nila parehas inaasahan. Book Cover by Brianna Jan Dizon Roger
HE'S MY GIRL! by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 714,295
  • WpVote
    Votes 15,071
  • WpPart
    Parts 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya. Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid at hindi tuluyang maglaho ang pangarap nito dahil lang sa maling operasyong pinagdaanan nito. Pero dahil na rin sa kanyang kapabayaan, nahuli siya ng leader ng grupo. Ang gwapo at masungit na si Tae Kyung Hwang. Ang lalaking lihim niyang minamahal. Book Cover by @Thirty_Celsius
NO ORDINARY LOVE by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,116,734
  • WpVote
    Votes 20,356
  • WpPart
    Parts 54
Noon pa man ay crush na ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero kailanman ay hindi niya iyon ipinaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa pag-aalalang tuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan nang husto ni Liam, nakilala rin niya ang nakakatandang kapatid nito na si Ian na naging masugid na manliligaw niya. At dahil mabait naman si Ian, sumubok siya sa pag-ibig nito. Ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang niyang napagtanto na si Liam pa rin talaga ang isinisigaw ng kanyang puso.
FALLING SLOWLY by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,092,918
  • WpVote
    Votes 11,047
  • WpPart
    Parts 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife niya. Pero tila hindi niya inaasahang sa mas may edad siyang singer ipapareha, kay Estella Hwang na halos 6 years ang tanda sa kanya. Pero habang tumatagal silang magkasama sa bahay, unti-unting nabubuo ang pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Gayunpaman, hindi magawang panindigan ni Raphael ang damdamin para sa babae kaya nang matapos ang variety show ay pinutol na rin niya ang kahit na anong ugnayan sa pagitan nila. Nang dumating ang pagkakataong mag-krus ulit ang landas nila, muli niyang naramdaman ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala sa puso niya. Magagawa pa kaya niyang makuha ulit ang pag-ibig nito gayong may pakakasalan na itong iba?