JosephGawatMonido's Reading List
5 stories
Bakanteng Nitso by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 411,869
  • WpVote
    Votes 1,694
  • WpPart
    Parts 4
Si Domeng ay isang sepulturero. Siya na rin ang ginawang tagapagbantay sa sementeryong malapit sa kinatitirikan ng maliit niyang bahay. Dahil sa mga patay kaya nagagawa niyang buhayin ang kanyang pamilya. Maliit man ang kanyang kinikita ay hindi naman sila sumasala sa oras. Kahit paano ay nagagawa pa niyang makapagtabi para sa pangangailangan ng nag-iisang anak. Subalit, ang gusto ng kanyang asawa ay maginhawang buhay. Mahal niya ito kaya naman kung ano ang nais ay gusto niyang maibigay. Ngunit... paano? Ano ang kanyang gagawin upang mapagbigyan ito sa hinihiling? Matulungan kaya siya ni Alister- ang lalaking may dilaw na mata? Ano ang hiwaga sa loob ng Bakanteng Nitso? Matakasan kaya niya ang malagim na magaganap? Horror/Mystery-thriller Copyright © ajeomma All Rights Reserved
EDONG KARITON by elumagui
elumagui
  • WpView
    Reads 56,829
  • WpVote
    Votes 2,211
  • WpPart
    Parts 33
"EDONG KARITON" By: Efcris Lumagui GENRE: FANTASY, ADVENTURE, ACTION, LOVE STORY... Halina kayong magbasa, igagala ko ang inyong mga isipan sa isang matimyas at kaaya-ayang paglalakbay na kung saan naroon ang kagandahan ng kalikasan at paraiso ng Pantasya. Ang buhay ng tao ay may hangganan. Sa mga araw at mga taon pang darating ... marami ditong mangyayaring pag-ikot ng mga ibat-ibang mga istoria ng buhay. At narito ang kuwento ng isang binata, na nahati ang kanyang pamamahal sa magulang at sa babaeng kanyang pinag-ukulan ng labis na pag-ibig. Inyo pong tunghayan ang kuwentong "EDONG KARITON" makikilatis ninyo ang galing ni Edong sa bakbakan. Puno ng pakikipagsapalaran sa kanyang buhay.
Binibining Time Machine by erizucmyk
erizucmyk
  • WpView
    Reads 78,701
  • WpVote
    Votes 1,389
  • WpPart
    Parts 12
Isang kakaibang kaibigan ang natagpuan ni cassius sa katauhan ng babaeng si shami. Si shami na isa daw time traveller. Mapaniwala kaya niya si Cassius na isa syang tunay na time traveller?
Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 256,540
  • WpVote
    Votes 10,115
  • WpPart
    Parts 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo! Ito po ang Book III ng Joshua Lagalag Series . Para lubos na maintindihan, basahin po ninyo muna ang Book II ( Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it) at ang Book I ( Joshua Lagalag atang Aswang sa San Gabriel) Sana po ay mag-enjoy kayo at suportahan din ang aking gawang ito gaya ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong isinulat. Happy Reading! Special Thanks to my Cover Designer Ate Onang. Kuya Boyet13
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 320,214
  • WpVote
    Votes 9,941
  • WpPart
    Parts 43
Sa isang Cosplay event sa Greenbelt, isang babae ang inabutan ng isang sanggol na may kasamang isang bag ng salapi ng isang maliit na taong naka-costume na dwende. Lalaki ang sanggol at tatawagin siyang Moymoy. Tulad ng ibang bata, masaya siyang nakikipaglaro, umiiwas sa mga away, at napagsasabihan ng matatanda, ngunit malalaman niyang kakaiba siya nang sandaling magalit siya at maging isang Tigre. Umpisa pa lang ito ng pagtuklas niya sa kanyang pagkatao at sa totoong mundo kanya talagang kinabibilangan.