Other Reads (Pinoy BxB)
8 stories
When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. I by blackfoxsenpai
blackfoxsenpai
  • WpView
    Reads 134,309
  • WpVote
    Votes 4,286
  • WpPart
    Parts 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. Kasing Hot ng pangalan nya. Isang gwapo at Hot na Hot na estudyante ng isang sikat na university sa Manila. Isang part-time model at womanizer. Sa sobrang hot nya ay walang nakakatanging babae sa kanya. --------- Si Ice. Kasing Cold naman ng pangalan nya. Isang scholar sa isang University sa Manila. Walang kaibigan at hindi close sa pamilya dahil sa sorang coldness niya. --------- Pag nagkakilala kaya ang dalawang ito, magkakaroon ba ng World War III o may mas maganda pang mangyayari para magbago ang dalawang ito? --------- Ano kayang mangyayari When Mr. Hot Meets Mr. Cold?
Mr. Bully Loves Me!! by INKhaveSOULS
INKhaveSOULS
  • WpView
    Reads 276,766
  • WpVote
    Votes 8,060
  • WpPart
    Parts 22
What would you do kapag nalaman mong ang taong palagi kang binubully, at ang secret admirer mo ay iisa lamang? Ang weird no? Pero ito ang kwento ko. Akala ko'y walang interes na kahit katiting sa akin si Nathan, ang lalaking aking pinapangarap, nakuha pa nga akong ibully eh. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Arthur, ang kanyang pinsan. Kung gusto nyong malaman ang mga nangyari, basahin nyo ang book na ito. --- Nick
Fall For You by shinomatic
shinomatic
  • WpView
    Reads 44,505
  • WpVote
    Votes 1,483
  • WpPart
    Parts 29
[COMPLETE] Nagbago ang takbo ng buhay ni Robert nang hiwalayan siya ni Liza dahil lang sa isang mababaw na rason -- dahil nagsasawa na ang babae sa kanya. Fucked up, naisipan niyang magtungo sa bar para kalimutan ang problema't magpakalunod sa alak. Paano kung sa pangyayaring iyon pala niya makilala ang tao na sadyang itinadhana para sa kanya? Matatanggap ba niya ito, gayong pareho silang "straighter than ruler"? ____________________________________ BOOK COVER MADE BY: @cgthreena © 2016
ONE NIGHT STAND by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 211,682
  • WpVote
    Votes 1,131
  • WpPart
    Parts 5
Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing pagtatalik. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino. Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman. Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi. Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho. Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.
STRAIGHT by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 187,613
  • WpVote
    Votes 989
  • WpPart
    Parts 5
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
EVERYTHING I HAVE by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 59,643
  • WpVote
    Votes 607
  • WpPart
    Parts 5
Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Ngunit paano ba magmahal kung ang tamang pagmamahal para sa'yo ay hindi katanggap-tanggap para sa iba. Saan patutungo ang pagmamahal ni Mario kay Gerald sa pagmamahalang tinututulan at kinukutya ng karamihan. Magkalayong estado ng buhay. Kakaibang pagmamahalang sinubok ng mga suliranin. Kaya bang tiisin ng tunay na pagmamahal ang mga pasakit na dala ng pagkasino? Paano iiwasan ang minamahal kung may ma sikreto kang pilit tinatakasan sa pagkakabigkis ninyong dalawa?
Chakka (Inibig Mo'y Pangit) by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 55,428
  • WpVote
    Votes 429
  • WpPart
    Parts 6
Note from the Author: Book 2 po ito ng Everything I Have. Kaya bago basahin ito, gusto kong unahing basahin ang Everything I Have dahil may ilang bahagi ng kuwentong ito na karugtong ng Everything I Have na una kong naisulat.) Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho. -Terence Kilalanin siya at ang kababata at matalik niyang guwapong kaibigang si Lando at kung paanong nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Nang Lumuhod si Father by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 169,233
  • WpVote
    Votes 856
  • WpPart
    Parts 5
Pagkatapos ng nobela nating "Everything I have" na tumalakay kung gaano kahirap ang ipaglaban ang iyong pagmamahal laban sa sakit o kamatayan, ang nobelang "Chaka (Inibig mo'y Pangit) na naghatid sa atin ng kuwento tungkol sa pag-iibigan laban sa ibang tao, ngayon naman ay dadalhin tayo ng ating bagong nobela sa kakaibang pagmamahalan laban sa ating Diyos na lumikha. Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig kung ang pagsilbi sa Diyos ang iyong katunggali? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa bawal na pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan. Note: Mangyaring basahin muna ang Everything I have at Chakka (Inibig mo'y Pangit) dahil may kinalaman ang mga iyon sa kuwentong ito.