KapeEveryMinute's Reading List
21 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 41,651,201
  • WpVote
    Votes 1,348,721
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
That Promdi Girl by Souls_of_mystery
Souls_of_mystery
  • WpView
    Reads 272,365
  • WpVote
    Votes 2,423
  • WpPart
    Parts 65
This story was written by OwwSic
Ang Mutya Ng Section E by eatmore2behappy
eatmore2behappy
  • WpView
    Reads 171,333,263
  • WpVote
    Votes 5,659,476
  • WpPart
    Parts 134
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,116,840
  • WpVote
    Votes 187,973
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,223,508
  • WpVote
    Votes 182,915
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Project: Yngrid by Alesana_Marie
Alesana_Marie
  • WpView
    Reads 3,569,043
  • WpVote
    Votes 136,067
  • WpPart
    Parts 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Isang dosenang klase ng high school (Bob Ong) by jhadecapacio
jhadecapacio
  • WpView
    Reads 30,183
  • WpVote
    Votes 315
  • WpPart
    Parts 14
ANG MGA NAKASULAT PO DITO AY GALING SA ISANG LIBRO NI BOB ONG ENTITLED "ABNKKBSNPLAKO?!" ENJOY KAYO! written by Bob Ong :))))
Owning Her Innocence (R-18) by RaceDarwin
RaceDarwin
  • WpView
    Reads 67,474,727
  • WpVote
    Votes 1,242,629
  • WpPart
    Parts 79
Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan sa kanya at wala rin siyang dapat na ika-bitter. Maybe, she just hated him for being a playboy. Lahat na yata ng magagandang babae sa kanilang lugar ay naakit na nito at nadala sa kama. Kahit na lantaran ang pagpapakita nito ng pagkagusto sa kanya ay hindi siya pumapatol. Ang pumatol sa isang lalaking walang kakuntentuhan sa isang babae ang pinaka-aayawan niya. Kaya naman nang magtaksil sa kanya ang boyfriend niyang si Jiro at mambuntis ito ng iba, gayon na lang ang sakit at pagkadismaya niya. Nagpakalasing siya sa isang bar, nagpakagaga. Kinaumagahan ay natagpuan na lang niya ang sarili sa isang kama. Kasama ang lalaking pinaka-aayawan niya. Si Callante, nakayakap sa beywang niya at may ngising tagumpay sa labi. "Akin ka na ngayon."
Invisible Girl  (Reprint under LIB)  by aLexisse_rOse
aLexisse_rOse
  • WpView
    Reads 12,353,994
  • WpVote
    Votes 197,682
  • WpPart
    Parts 42
Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and her voice sounds very alike. Ang tanging konsolasyon lamang niya ay hindi siya nakikita ng binata. He will not recognize her. He lost his sight in a car accident after his Ex left him And her MISSION- convince him to undergo the surgery. Sana nga ganon lang iyon kadali... But for her to accomplish her mission, she will need a lot of PATIENCE. Will she be able to survive without involving her own feelings? All rights reserved 2013 alexisse_rose© Highest rank achieved: #1 in Romance