WhyThatName
PAGSISINUNGALING, NAKAKABAWAS NG TIWALA.
Bakit nga ba nagsisinungaling ang isang tao?
Para pagtakpan yung kamalian niya?
Pero kapag ba nagsinungaling ka magiging tama yung maling yun?
Hindi naman di ba?
Takot kang malaman niya yung totoo kaya ka nagsisinungaling?
Akala mo ba hindi niya malalaman yun?
Kahit anong tago mo sa isang bagay, malalaman at malalaman niya pa rin yun.
PROBLEMA naman kase, pwede naman sabihin yung totoo gaano man kabigat o kahirap yan.
Mas maganda na yung alam nya kesa ginagawa mo syang tanga. Patay ka pag nahuli kapa nya.
Mauunawaan ka naman siguro niya.
Kung malaki ang tiwala sayo ng isang tao, wag mong subukang sirain yun. Dahil sabi nga nila
“Ang tiwala mahirap makuha, pero once na nasira yung tiwalang yun, mas mahirap ibalik.”
tama nga naman, paano mo pa magagawang pagkatiwalaan yung taong minsan nang nagsinungaling sayo.
Yung ibang tao kase hindi alam yung kahalagahan ng tiwala sa isang relasyon.
Kung walang tiwala ang isang relasyon lagi ka na lang mag-aalinglangan o mag-iisip kung totoo ba o hindi ang sinasabi nung taong yun.
Hindi ko rin maImagine na yung taong mahal na mahal mo na pinagkakatiwalaan mo ng sobra eh niloloko at pinaniniwala ka lang pala sa mga kasinungalingan.
Walang kwenta yung mga ganong tao!
Kaya kung mahal mo talaga yung taong yun, pahahalagahan mo yung tiwalang ibinigay niya. Huwag mong sirain. Hanggat maari,
wag kang magsinungaling sa kanya, kahit na maliit na bagay lang yun…
pagsisinungaling pa rin yun.
Yung maliit na pagsisinungaling na yun, nakakabawas ng tiwala, pano pa kaya kung malaking kasinungalingan na yun?
Eh di sirang sira na tiwala niya sayo. Kaya kapag may nagawa ka, wag mong pagtakpan.
Lahat ng tao marunong umunawa lalo na sa mga taong pinahahalagahan yung tiwalang ibinigay sa kanila.