Done
58 stories
Barely Heiresses- Sky by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 103,520
  • WpVote
    Votes 859
  • WpPart
    Parts 4
Nang matuklasan ni Sky na lolo niya ang bilyonaryong si Don Alfonso Banal ay labis-labis ang naging tuwa niya. Nang matuklasan naman niyang may pito pa siyang mga kapatid sa ama ay nag-uumapaw ang kaligayahan niya. Subalit nang matuklasan niya ang proviso na nakasaad sa huling testamento ng lolo niya ay labis, nag-uumapaw, siksik at liglig ang naging kalituhan niya. Kapag natupad raw niya ang kondisyong nakasaad sa huling sulat ng Lolo Alfonso niya ay saka pa lamang niya makukuha ang mana niya. Ayon sa proviso, kailangan niyang iguhit ang larawan ng taong mahal niya at ibigay ang larawan sa taong iginuhit niya. Ang problema, sino kina Bram at Pierce ang iguguhit niya? Bago siya pumunta ng Sagada at makilala ang tunay niyang pamilya, walang pagdududang agad niyang isasagot na si Bram, ang ex-boyfriend niyang iniwan siya matapos niyang tanggihan ang alok nitong kasal. Subalit ngayon, ginugulo rin ang puso niya ni Pierce, ang best friend niyang mula't sapul ay nasa tabi niya at lihim na minamahal siya.
Sa Panaginip Nga Lang Ba? by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 224,318
  • WpVote
    Votes 5,103
  • WpPart
    Parts 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him. cover photo from Google images
Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 2,818,173
  • WpVote
    Votes 40,958
  • WpPart
    Parts 40
Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbatibong babae. Kaya naman nang sabihan siya ng publisher niya na magsulat ng erotic romance na nobela ay kuntodo iling siya. Pero makakatanggi pa ba si Ice kung pati ang mga readers niya ay malapit na siyang iwan dahil hindi daw niya kayang kumawala sa kahon niya bilang "wholesome" na writer? Humingi si Ice ng tulong sa mga kaibigang writer at nakita na lamang niya ang makabubuti para sa sitwasyon niyang suggestion ng mga ito: ang makipag-sex chat. Sa World Chatters ay nakilala niya si Liam: ang kababayan niyang bumastos sa kanya pero sa huli ay napakinabangan rin niya. Binuhay nito ang inner goddess niya na nag-e-exist pala. Dahil kay Liam, naggawa niyang makapagsimula sa writing plan niya. Everything went so well hanggang mag-inarte si Liam. Liam: I want to fuck you physically. Let's meet. Gusto ni Ice si Liam. He had way with words at ito rin ang pinaglalabasan niya ng sexual frustration sa matagal ng sikretong pinagnanasaan niya na boss sa isa pa niyang trabaho bilang sekretarya. Pero nabubuhay pa rin ang konserbatibong bahagi niya. Ibibigay lamang niya ang sarili sa lalaking totoong gusto niya, ang kilala niya sa totoong buhay: ang boss na si William Gasan. Pero paano kung ang fuck buddy niya sa chat at hot na boss ay iisang tao pala? (This is not the official teaser of the book)
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,235
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.
BESTFRIENDS' PLACE SERIES 1 - AGAIN by besprenAiRa
besprenAiRa
  • WpView
    Reads 26,625
  • WpVote
    Votes 591
  • WpPart
    Parts 10
Falling in love AGAIN is very hard to do para kay Nacille, matapos siyang hindi siputin ng nobyong si Joseph sa araw ng kanilang kasal. Kinailangan niyan magtago at lumayo sa lahat at napadpad sya sa Bestfriends' Place upang doon magpagaling ng sugat sa kanyang puso. And here comes another man sa katauhan ni Jovee na ang mga kilos at mga ginagawa ay nagpapaalala kay Joseph. Tinangka niyang iwasan si Jovee sa takot na malapit sa lalaki subali't nagising nal lamang siya isang araw na umiibig rito. AGAIN, she fell in love with Jovee... Pero isang lihim ang natuklasan niya na tila susugat sa kanyang puso sa ikalawang pagkakataon *********
Piece by Piece (To Be Published Under PHR) by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 11,911
  • WpVote
    Votes 344
  • WpPart
    Parts 12
Ang tanging alam ni Musika para iligtas si Lee sa miserableng buhay nila ay tuluyan na itong pakawalan. Pero salungat iyon sa paniniwala ni Lee na kailangan nilang ipaglaban ang kung ano man ang meron kahit pareho na silang nasasaktan. Pero determinado na si Musika kaya nakipaghiwalay siya sa asawa at nagpakalayo-layo siya. Pero isang aksidente ang nangyari kay Lee na naging dahilan para kailangan nilang magsama ulit sa isang bubong. Nagkaroon ito ng amnesia at ang tanging naalala nito ay ang mga panahong inaayos pa nila ang kanilang relasyon. Pumayag siyang pakisamahan ito pansamantala hanggang sa gumaling ito. Pero naging dahilan lang pala iyon para makita niya ulit ang mga bagay na pinakawalan niya noon, ang kaligayahan sa piling nito at ang contentment na matagal din na hinanap niya. Kung kailan handa na siya na magtiwala at magmahal ulit saka naman niya nalaman na isang palabas lang ang lahat tungkol sa sakit nito. At ang mas nakakatakot pa bumabalik ang bangungot niya tungkol sa isa sa mga pinakatatago niyang sikreto na naging dahilan kung bakit kailangan niya itong hiwalayan. Kasinungalingan at pagpapanggap. May puwang pa ba ang ikalawang pagkakataon para sa kanilang dalawa?
Cupid's List Series Book 1: How To Heal A Broken Heart by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 2,678
  • WpVote
    Votes 91
  • WpPart
    Parts 11
Si Pen-pen secretly in-love sa kanyang bestfriend na si Matt, si Matt in-love kay Audrey na ex-jowa ni Hiro. Gagawin lahat ni Pen-pen para lang maging maligaya lang ang bestfriend nito kahit na nagmumukha na itong tanga. Katulad na lang ng ilayo nito si Hiro kay Audrey dahil ang tinamaan ng landi na si Audrey ay balak ng makipagbalikan kay Hiro at iiwang luhaan ang bestfriend niya. Bilang isang mabait na kaibigan ay inobliga niya ang sarili na siya ang bahala kay Hiro-na isa pala sa mga nilalang na hindi mo pwedeng i-resist ang charm. Broken hearted si Hiro dahil kay Audrey, broken hearted naman siya kay Matt dahil tinamaan na ito ng husto kay Audrey kaya habang tinutulungan niya kunwari si Hiro na hilumin ang sugatan nitong puso ay siya naman ang na-in-love dito. Sino ang makaka-resist ng chinito nitong mata? Nang maalaga nitong ugali? Wala. Kaya naman nahulog siya ng tuluyan dito at balak naman sana siyang saluhin nito kung hindi lang nito nalaman na bestfriend siya ni Matt at nakaplano na ang lahat. She was brokenhearted again and this time it was fatal. How would she heal her own broken heart for the second time around?