Charissa_Byun 💕
3 stories
Deep Down In My Heart by Charissa_Byun
Charissa_Byun
  • WpView
    Reads 95
  • WpVote
    Votes 11
  • WpPart
    Parts 12
Marisse believes that happy is the person who patiently waits. Na sa bawat pagsubok at problema, darating at darating pa rin ang araw na masasabi mo sa sarili mong worth it ang paghihintay mo. Sa lahat ng pagsubok na dinanas niya at sa pagkakaroon niya ng hearing disability, hindi niya akalaing malalampasan niya agad ang mga problemang iyon. Noong una ay gustong-gusto na niyang sumuko na lang para matapos na ang paghihirap niya at nang pamilya niya. Hindi niya akalaing makakayanan niya ang mga pagsubok na dumating sa buhay niya. Pero dahil din sa pinagdaanan niya, nakilala niya si Frank. Isang mabait, gentleman, at misteryosong lalaki. Nakahanap siya ng isang taong handang intindihin at tanggapin ang kalagayan niya. Isa din ito sa naging dahilan para lumakas ang loob niya at maka-ahon muli mula sa pagkakalugmok niya. Dahil din sa kabutihang ipinapakita nito, hindi maiwasan ni Marisse na mahulog ang loob dito. Pero dumating sa punto na bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanya, kung kailang nasasanay na siya dito. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay at mga araw niya, nang wala na ang presensiya nito. Subalit mapaglaro talaga ang tadhana, makalipas ang ilang taon at tuluyan na siyang nakaka-move on sa buhay niya ay muling pinagtagpo ang mga landas nilang dalawa. Matanggap kaya ni Marisse ang dahilan ni Frank nang hindi nito pagpaparamdam sa kanya? Magkaroon pa kaya sila ng second chance? O tuluyan nang babalewalain ni Marisse ang mga pangako ni Frank at ipagpapatuloy ang buhay ng hindi na ito kasama?
Game Over Love by Charissa_Byun
Charissa_Byun
  • WpView
    Reads 400
  • WpVote
    Votes 25
  • WpPart
    Parts 38
Hindi si Charmayne ang tipo ng babae na naniniwala sa "love at first sight". Para sa kanya sobrang cliche na nang kasabihan na iyon. Iyong tipong hindi kapani-paniwala, kasi sino ba naman ang mafa-fall o mai-inlove sa unang tingin lang? Kaya siguro hanggang ngayon, single pa rin siya dahil sa paniniwala niya. Sa unang tingin siguro, oo, mapapa-hanga ka pero hindi mo masasabi na mahal mo na kaagad ang tao dahil lang doon. Iba pa rin kung magkakakilala kayo nang lubos. Mas gusto kasi niyang maging traditional pagdating sa love. Hanggang sa dumating ang araw na bigla na lang siyang sinubukan ng tadhana. Hindi niya alam, pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng artistang si Gab Lagman, noong araw ng Mall Show nito. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niyang wala lamang iyon, siguro ay humanga lang siya dahil nga sa artista ito. Pero hindi niya akalaing kakainin niya ang mga sinabi at paniniwala niya. Lumipas na ang ilang araw at linggo pero hindi pa rin ito mawala-wala sa isipan niya. Hanggang sa maging fan na rin siya nito. At sa tuwing naiisip niya ito, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso niya. Bigla na lang siyang mapapangiti nang mag-isa na parang baliw. Feeling tuloy niya ay may sakit na siya. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang pagka-humaling niya dito. Napapa-isip tuloy siya, did she really fall for him at first sight? Dumating pa kaya ang araw na magkakilala sila sa personal? And what if, mapansin din nga siya nito? Pipiliin kaya siya nito over his career? Paano kung mas piliin nito ang career nito kaysa sa kanya? Wala na, game over na! Mukhang hanggang tingin na lamang siya dito mula sa malayo at ituturing na lang itong isang inspirasyon.
Setter Of My Life by Charissa_Byun
Charissa_Byun
  • WpView
    Reads 378
  • WpVote
    Votes 49
  • WpPart
    Parts 31
"You're not just the best setter in your team, you've also set my whole life through!" Ito ay kwento tungkol sa isang babae na natupad ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo, nang may karangalan kahit na may problemang pinagdadaanan. Hindi akalain ni Charrie na sa tatlong taon na relasyon nila ng boyfriend niyang si Troy ay magagawa pa siyang lokohin nito. Hindi lang ito magaling sa sports, magaling din itong magsinungaling. Pero mahal na mahal niya ito, to the point na kahit hiwalay na sila ay nagawa niyang ipaubaya dito ang pagkababae niya. Hindi na niya inisip ang consequences na kakaharapin niya pagkatapos ng nangyari. At dahil doon napilitan siyang umuwi sa Probinsiya nila para itago ang katotohanang nagdadalang-tao siya. Makalipas ang ilang taon ay muli siyang bumalik at ang akala niya ay tuluyan na siyang naka-move on sa lalaking mahal niya, ngunit nang magtagpong muli ang mga landas nila ay halu-halong emosyon ang naramdaman niya. Ngunit mas nangibabaw ang takot niya dahil kapag nalaman ni Troy na nagka-anak sila ay baka ilayo nito ang anak nila sa kanya. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Mga lihim nila sa isa't isa na magiging daan upang maibalik ang masaya at matamis nilang relasyon at upang mabuo ang sarili nilang pamilya.