aniahk_10's Reading List
2 stories
My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) por heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    LECTURAS 140,146
  • WpVote
    Votos 3,463
  • WpPart
    Partes 25
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kasuan niya pati na rin ng pinakaiingatan niyang kabibe, iyon ang 'di niya inexpect ng bongga! Mas lalo pang nawindang ang mahilo-hilo niyang mundo nang matanto niyang katabi niya ang lalaking sinumpa niya kagabi dahil sa kahambugan nito. At ang malala mga katoto, tulad ng ganda niya, hubad din ang ginoo! Ang lalaki, walang iba kundi ang ubod ng gwapo, ubod ng yaman at lodi sa abs at crush ng buong universe na si Tyrone San Miguel. Ayos lang sana na ito ang unang lalaking naglunoy sa kagandahan niya, ang kaso nag-iwan ito ng remembrance ng isang gabing pinagsamahan nila. Hindi calling card, hindi rin kissmark, kundi bata- bata na nasa sinapupunan niya.
Bad Wives 1: TINA (Complete) por IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    LECTURAS 215,172
  • WpVote
    Votos 5,416
  • WpPart
    Partes 52
BAD WIVES 1: TINA Author: La Tigresa May masamang plano si Tina sa pera ng comatose patient niya na si TJ De Marco, ang panganay na anak at isa sa mga tagapagmana ng DM Group of Hotels. Kaya naman sa kabila ng kaalaman na may ibang babaeng nagmamay-ari sa puso ni TJ, pikit mata niyang inialok ang sarili bilang bride ng lalaki. Pagkatapos ng kasal, natulog siyang may ngiti sa mga labi katabi ang asawang inakala niyang magdadala sa kanya ng ginhawa at limpak limpak na salapi. Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang makita itong buhay na buhay kinabukasan at masama ang tingin sa kanya. Kasing sama ng tingin sa kanya ni Sabrina, ang ex-fiancee ni TJ at anak ng mortal na kaaway niya. Sa ngalan ng salapi, gagawin ni Tina ang lahat huwag lang maagaw ni Sabrina ang posisyon niya. Ang problema, nagising siya isang araw na hindi na lang apelyido at kayamanan ni TJ ang ipinaglalaban niya - pati puso na rin ng asawa.