MsLittleIntrepidGirl
Sa panahon ngayon,Crush pa lang,nagMO-MOVE ON na tayo kapag nalaman natin na may crush o mahal na ang taong hinahangaan natin.Dito ko napagtanto na nag-iiba din pala ang estado ng ating puso katulad na rin ng ating buhay.Suriin niyo,ang ating buhay ay dumaranas ng mga sitwasyon mula sa mahirap hanggang sa pahirap ng pahirap na sitwasyon,depende na lang kung ano ang maaaring harapin ng kanya-kanya nating buhay.Pero ang puso,dati,kapag mahal mo tapos nasaktan ka,MOVE ON ang status ng puso mo,pero ngayon,CRUSH pa lang MOVE ON ka na kapag may hinahangaan siyang iba.Hindi naman masama magMOVE ON kung masakit na talaga.Masaklap naman talaga ang masaktan lalo na kapag yung puso mo ang natatamaan.Kagaya na lang ng babaeng nagngangalang SPYE.Katulad siya ng maraming babae ngayon na nagMOVE ON sa CRUSH niyang si WEST.