youronlysecret's Reading List
4 stories
Thy Love (Published by ABS-CBN Books) by UndeniablyGorgeous
Thy Love (Published by ABS-CBN Books)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 8,446,580
  • Votes 306,797
  • Parts 37
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
Bride of Alfonso (Published by LIB)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 5,117,206
  • Votes 194,767
  • Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.) by UndeniablyGorgeous
Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 11,549,006
  • Votes 571,130
  • Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saaan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)  by Chrispepper
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Chrispepper
  • Reads 10,583,107
  • Votes 227,164
  • Parts 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he was already married. He doesn't want me to come near him at the University. And Im always end up crying realizing that he doesn't love me. Isa lang akong simpleng babaeng may simpleng buhay. But it all changed when one day, I woke up and realized that I am already married to Mr. Popular.