Science Fiction
9 stories
All Names Are Taken (Wattys 2019 Winner) por ArjhayTabios
ArjhayTabios
  • WpView
    LECTURAS 7,544
  • WpVote
    Votos 49
  • WpPart
    Partes 3
/* Wattys 2019 Winner, Science Fiction Category */ Status: Editing Ang taon ay 2045, at ang pangako ng transhumanismo ay kumikinang na parang gintong dumaan sa dila ng apoy. Marami ang nagpasanib at ilang mga bansa ay naghayag na ng suporta sa pagangat ng kanilang mga mamamayan upang maging mga 'SmartHuman', na tinaguriang 'kinabukasan' ng sangkatauhan. Subalit, sa kabila ng ningning ng hinaharap, isang lihim ang sadyang tinatago sa likod ng mga anino at kung sinuman ang makaalam sa kanilang pag-iral, ay tiyak na mapapatay sa paraang madugo - walang makakarinig, walang makakakita, para bang bigla na lang naglaho. Si Samson Fuerte, ang dating miyembro ng Presidential Security Group, ay agad isinalta sa mundo ng Markus Industries bilang Security Head, ang kompanyang tumustos sa pagpapagaling sa kanya, matapos ang ilang buwan niyang pananatili sa ospital. Nakailag man siya kay kamatayan, sinaksakan naman siya ng spec-ops grade na brain chip sa utak nang hindi niya kagustuhan. Gayumpaman, may isa siyang misyon na kailangan tuparin - ang halukayin ang lahat ng mga lihim patungkol sa pag-atake sa Batasang Pambansa. Suportado ni Elisa Haufmann at ng kanyang mga pinagkakatiwalaan, tatahakin niya ang mga pasikot-sikot ng Kamaynilaan hanggang sa maunlad na lungsod ng Tallinn, at kung sinuman ang humadlang sa kanya ay papaslangin para lang makarating siya sa kanyang destinasyon - iyan ay kung makakarating siya nang humihinga at nakatayo.
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 51,155
  • WpVote
    Votos 1,741
  • WpPart
    Partes 32
Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula pagkasilang hanggang sa pagtanda. Ang memory gene na nakakabit sa likurang bahagi ng ulo ng nagmamay-ari ng aparatong iyon ay maaaring ilipat sa isa pang katawan upang mabuhay bilang siya o ang kanyang katauhan. Nagsimulang lumaganap ang pag-gamit ng aparatong ito dahil na rin sa pag-aproba ng gobyerno ng Europa upang mapahaba ang life span ng isang tao ngunit tinutulan ito ng ilang mga bansa dahil na rin sa pagkitil ng buhay upang maging container ng mga taong gumagamit nito. Kalaunan ay nahati ang lipunan sa tatlong klasipikasyon dahil sa aparatong iyon. Una, ang mga bidder o ang mga mayayaman o nakatataas sa lipunan na siyang tanging nakakagamit ng memory gene. Sila ang may kakayahan upang bumili ng katawan ng commoner o ng bidder upang paglipatan ng kanilang mga memory gene para mabuhay kahit gaano pa katagal. Pangalawa, ang mga commoner o ang mga may kaya ngunit hindi pa umaabot sa klasipikasyon ng pagiging bidder. Wala silang memory gene ngunit kung mataasan nila ang pamantayan ng gobyerno sa pagiging bid sa pamamagitan ng kanilang mga assets at liabilities ay maaari na silang tawaging bidder at lagyan ng memory gene. Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat, ang mga bid. Sila ang mga taong naghihirap at hindi kayang bumili ng aparatong iyon. Sila din ang madalas na binebenta sa black market upang isubasta para mabili ng mga mayayaman. Taong 2280: Isang kriminal ang nabalitang gumagala sa bawat lungsod ng Pilipinas upang kitilan ng buhay ang mga gumagamit ng memory gene. Hindi siya gumagamit ng marahas na pamamaraan. Ni walang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyayari ang krimen. Iniiwan niya lamang na natutulog ang kanyang mga biktima at tila nabubura lamang ang kanilang memorya. Black out: Iyon ang tawag sa kanya.
Philippines: Year 2303 - A Game of War por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 159,312
  • WpVote
    Votos 4,153
  • WpPart
    Partes 28
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 715,212
  • WpVote
    Votos 12,657
  • WpPart
    Partes 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 214,182
  • WpVote
    Votos 4,946
  • WpPart
    Partes 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel) por LeeRafael
LeeRafael
  • WpView
    LECTURAS 63,961
  • WpVote
    Votos 2,677
  • WpPart
    Partes 45
It's the year 2047. The Philippines is in the midst of massive cruelty! Over population, poverty, high crime rate and human rights violation destroyed the society. The revolution is being planned all throughout the country but the President is about to announce her final blow. The CAMP HORIZON! A massive flock of citizens who's against of the law and who's looking for a little hope went to the city circle to condemn this cruelty but they were all shot dead. Hundreds of them! Now, with the full support of the President's allies and being locked from the rest of the world. CAMP HORIZON is about to begin! But what is it? Why everyone fears it? Will they ever see the hope if all they can see are ashes and dusts covering the blue sky? How will they escape if the other side of the wall is still the same where they are standing now? ACTION * SCIENCE FICTION * DYSTOPIAN A Novel by: Lee Rafael (Written in 2014) I was inspired by a lot of dystopian works like Battle Royale, The Hunger Games, The Lord of the Flies, and Nineteen Eighty-Four. Enjoy!
Immortal City por Kokonoze
Kokonoze
  • WpView
    LECTURAS 665,990
  • WpVote
    Votos 19,631
  • WpPart
    Partes 71
They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes, because she is the only one who can't do what they can. She can't see the future. She can't make herself invisible. She can't read minds. She is completely normal. Yet she became a member of a nameless organization and they are now involved in a game. What kind of game? No one can know. It's their rule. They have to keep it a secret. They have to keep everything a secret. However, in this game, people who hide secrets are deadly.
THE MISSING LINK (Filipino Sci-Fi Novel) por LeeRafael
LeeRafael
  • WpView
    LECTURAS 40,231
  • WpVote
    Votos 1,756
  • WpPart
    Partes 31
152 years after the world has been ravaged by a terrifying natural disaster. The landscape of our world has been changed. The oceans were gone even the countries too. Leaving only one continent and one country but it was divided into one-hundred regions. Everything is fine until a colony from the other side of the world is willing to trigger an airborne virus which is similar to what happened 152 years ago. LANGUAGE: FILIPINO Written by: Lee Rafael ® 2016
All Is Silence - Deserted Lands #1 por robertlslater
robertlslater
  • WpView
    LECTURAS 1,749,368
  • WpVote
    Votos 98,901
  • WpPart
    Partes 107
ALL IS SILENCE finished #37 of 151 for Wattpad's Story of the Year! Also a WATTYS 2015 - Dream Collections Winner! Thanks to everyone who added me to their collections! You made my year! The sequel, STRAIGHT INTO DARKNESS, is available in print and e-book on all major ebook sites. If you are interested in hearing about special deals on this or any other works, please sign up for my monthly newsletter at www.desertedlands.com. #1 in Science Fiction - 57 days so far! Thank you, readers! PG-15: [Yes, you read that right. I would recommend teens not read it until they are 16!] Profanity, violence and sexual situations. Warning: There is talk of cutting and suicide. If any of these are triggers for you, please consider that when reading. Take care. Rob What if death forgot you? In a future that could be ours, Lizzie, a suicidal teen-age girl, barely navigates her own life. Then everything falls apart. In an apocalyptic land nearly deserted by disease, she lacks reasons to live until a shocking turn of events reveals a phone number. Her call pulls her dangerously cross-country to meet a stranger she thought was dead. In a world where there is plenty of food, plenty of gas, plenty of space... fear, anger and a lust for power still control the patterns of human life. This coming of age, edgy young adult novel is the debut of a former alternative high school teacher. If you like this, try Toils and Snares, a Deserted Lands novella, sampled on Wattpad.