writterofanimelove
"This dirtied jewel named 'Innocence', with this hand, I could throw it out."
Hindi madali maging isang nerd. Ikaw gagawa ng mga assignment para sa mga bullies, may mga pasa at sugat sa katawan mo araw-araw, at marami pang iba. Etong si Satoshi Hotaka eh yun nga, isang school nerd. Sa sobrang talino niya, ang pinakamababang grade na nakuha niya sa buong buhay ay 99. Nawi-'weirdohan' ang mga classmates niya dito kaya binu-bully nila si Satoshi (mga tao nga naman). Dahil dito, humingi ng tulong si Satoshi sa bad-ass ng school/bayan na si Katsumi Tsukada. Pero may problema rin naman itong si Katsumi. Bilang isang graduating student ngayong taon, kailangan niyang ipasa lahat ng kanyang subjects para maka-graduate. Madali lang diba? Eh kaya nga lang, hindi pa siya nakakakuha ng grade na mas mataas pa sa 3. Kung hindi lang sa yaman ng mga magulang niya eh baka hindi pa nga siya makaabot ng grade 1 eh. So, napag-sunduan ng nerd at ng bad-ass na tutulungan ni Katsumi si Satoshi na lumakas kung tutulungan niya siya sa kanyang pag-aaral (alipin na rin for short).
Ano kaya ang mangyari kung magsama ang dalawang napaka-magakaibang tao araw-araw? Disaster kaya o development ang mangyayari?