LucettaGreen's Reading List
2 stories
Ang Selosong Nagmahal sa Akin... by LucettaGreen
LucettaGreen
  • WpView
    Reads 7,200
  • WpVote
    Votes 143
  • WpPart
    Parts 1
"Saan ang punta mo? Nagmamadali ka yata?" nakunot noong tanong sa kanya ni Reed. Simula ng maging magkaibigan sila ay nabatid nya na may tendency din pa lang maging sumpungin ang binata paminsan-minsan. Hindi nya nga lang masyadong pinagpapansin ito kapag ganoon ito bagkus ay lalo pa nyang iniinis. Kahit papaano man lang ay makaganti sya sa mga ka-abnormalan nito sa kanila ni Adriana. "Makikipag-date." Hindi nya ito nilingon at patuloy na niligpit ang mga gamit. Ipinapasok na nya ang mga libro sa bag niya ng maramdaman ang kamay nito sa braso nya. Nakita nyang palabas na ang mga kaklase nila at napatiuna na rin si Adriana sapagkat may susunod pa itong klase. Ang propesor naman nila ay lumabas na rin. Silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng silid. "Anong sabi mo?" pilit syang hinaharap nito. Naramdaman niya na bahagyang dumiin ang kamay ng binata sa braso nya. "Reed, Teka, masakit. Ano bang problema-"naputol ang iba pang sasabihin nya ng makita ang pagtatagis ng bagang nito. His dark eyes looked like she had never seen before. "R-Reed-"napaatras siya ng dahan-dahan ay lumapit ang binata sa kanya. His eyes were suddenly cold. Tila nawala ang kislap ng pagkapilyo sa mga iyon. "Saan ka sabi pupunta?" Mariin na inulit nito ang tanong kanina. Nagulat siya ng pumailalim ang kamay nito sa buhok nya. Habang ang isang kamay naman nito ay pumulupot sa beywang niya.
My Possessive Adoptive-BIGBrother by LucettaGreen
LucettaGreen
  • WpView
    Reads 50,238
  • WpVote
    Votes 779
  • WpPart
    Parts 1
"Jiliane! Buksan mo 'tong pinto!" malakas nitong binayo ang pintuan niya. Alam niyang tuluyan ng naputol ang pasensya nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwas sa binata. She didn't care actually, kung ayaw nitong marinig ang rason niya ay wala rin siyang balak makinig sa sermon nito. "I said open the goddamn door or I swear I will break this thing! Jiliane!" sigaw nito mula sa labas. Bahagya siyang kinabahan sa karahasang ibinabadya ng boses ng binata. Wrong timing naman ang pag-alis ng mag-asawa at tiyak na walang makakaawat sa pagwawala ng binata. Reed, asan ka na ba? Awatin mo ang kuya mo, parang awa mo na. Kahit kinakabahan ay pinilit niya ang mga paa na humakbang patungo sa pinto. She decided to let him in. Bago pa nga nito tuluyang masira ang pintuan niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang dahon ng pintuan. Kita niya ang pamumula ng mukha nito sa labis na galit. Inisang hakbang nito ang pagitan nila at marahas siyang pinangko at inupo sa kama. "Why?... bakit napakatigas ng ulo mo?" nanggigigil na hinawakan nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Tinabig niya ang mga kamay nito at hinarap ang nagbabagang mata ng binata. "Tao ako, Alejandro, hindi hayop o bagay na walang sariling utak para um-oo palagi sa gusto. So what kung hindi ko natupad ang pangako ko? Tao lang naman ako, diba? Kung pagmomodelo man ang gusto kong gawin karera ay wala ka ng pakialam doon! Gagawin ko ang gusto ko at kahit ikaw ay hindi mo ako pwedeng pigilan!" she said defiantly. What she just said fueled his anger. Naniningkit ang mga matang tinitigan nito ng binata ang kabuuan ng mukha niya bago marahas na bumaba ang mukha nito sa kanya upang angkinin ng pangahas nitong labi ang labi niya. Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot niyang kama. No! -Hello guys, gusto nyo rin ba mabasa love story ni Reed? -ano pa inaantay nyo? vote and comments na.. LOL.