vanespina's Reading List
69 stories
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 257,134
  • WpVote
    Votes 6,826
  • WpPart
    Parts 21
My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng chicks, hindi ko na kailangan ligawan kasi sila na ang kusang lumalapit sa akin. Wala akong sineseryoso. For me, relationships are just a game that I always win. Pero nang makilala ko si Danica Solomon, nagbago ang lahat. Kung bakit naman kasi siya pa ang naisip kong pormahan para maging date sa dance party ng Richdale University. Kung bakit naman kasi naisip ko siya pag-tripan dahil lang type siya ng cousin ko. Kung bakit ba naman dineadma ko ang bulong ng instinct ko when Danica and I first met. Nagkaroon kasi ako ng feeling 'non na iba siya sa lahat ng chicks na nakilala ko na. Bumalik tuloy sa akin ang karma. One year after the disastrous dance party, when my cousin punched me in front of the whole student body, at kung kailan nalaman ko rin na naglolokohan lang pala sila ni Danica, bigla siyang sumulpot sa bahay namin. With a baby in her arms. What the heck?!
BACHELOR'S PAD series book PREVIEWS by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 84,205
  • WpVote
    Votes 990
  • WpPart
    Parts 14
Patikim sa mga kuwento ng Bachelor's Pad series. Preview lang po ang mga nakalagay dito, hanggang chapter 3 ng bawat story sa series. Out po sa lahat ng bookstores ang book version ng series na ito kung gusto niyo pong mabasa ang buong kuwento. ^__^
KISSING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 168,926
  • WpVote
    Votes 4,379
  • WpPart
    Parts 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito. Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan? PS: Thanks to Abby (@OhCheeseball) for this new and prettier version of the cover. love you. :)
LOVE OVERDUE by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 249,562
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 28
This is for those who still remember their first love. And most of all, to those who still clings to that love this story was first published in 2010 under Precious Hearts Romances. This wattpad version is a revised edition with extended scenes. :)
The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,425,805
  • WpVote
    Votes 38,254
  • WpPart
    Parts 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita. Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter. Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,028,812
  • WpVote
    Votes 27,963
  • WpPart
    Parts 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila aso't pusa kung mag-away. Hanggang sa kausapin siya ng masinsinan ng ama nito. "I want you to not only protect him but to tame him." Paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago? But everything seems to change when her hate for him became attraction. Bigla ay apektadong apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi na ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kaniya. So what would she do now that she realized she was already in love with him?
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,688,940
  • WpVote
    Votes 38,537
  • WpPart
    Parts 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon. "Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?" Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito. "Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
MY ENIGMATIC STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 283,651
  • WpVote
    Votes 8,469
  • WpPart
    Parts 22
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat. Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
Seven Stages Of Heartbreak [PUBLISHED UNDER PHR] by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 87,861
  • WpVote
    Votes 2,257
  • WpPart
    Parts 13
Nalaman ni Alyssa nang makipaghiwalay sa kaniya ang long time boyfriend niya na kapag pala broken hearted ka ay para ka ring namatayan. At katulad ng grief ay may stages din na kailangan pagdaanan para tuluyang maka-move on sa heartbreak. Sundan ang kaniyang journey to recovery. Pagdating sa dulo, tuluyan na kaya siyang makaka-move on?
SPIRAL GANG 1st Tale: Ang Nawawalang Bayan by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 47,734
  • WpVote
    Votes 1,712
  • WpPart
    Parts 21
THIS IS A MOON BRIDE PREQUEL SERIES. Ang mga pangyayari sa series na ito ay naganap ilang buwan bago ipanganak si Ayesha, sa bayan kung saan siya lumaki. Let's go back to year 1999, when internet is still not the center of our lives. Siguro maiisip ng iba na ang boring ng buhay ng mga bata at teenager sa panahong iyon lalo na kung sa isang malayo at liblib na bayan nakatira. But oh, you are so wrong. Welcome to the town of Tala, where myths and legends are true. Welcome and see for yourself, that in this town, in your town, magic is everywhere. cover design by @rymahurt <3 <3