rjAraneta's Reading List
17 stories
The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 330,966
  • WpVote
    Votes 6,459
  • WpPart
    Parts 19
Kakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenience and she was okay with it because she had no plans of getting married in the future with the purpose of love. Isa pa, hindi naman sila nagsasama at malayo sila sa mga mata ng tiyahin nito kaya feeling dalaga at binata pa rin sila. Sa papel lang talaga sila kasal. Hanggang sa dumating si Angelo sa buhay ni Charity. She fell in love with him and after months of being together, he finally asked her to marry him. Kinain niya ang lahat ng sinabi niya na hindi siya iibig at magpapakasal dahil sa pag-ibig. Gustong-gusto ni Charity na umoo sa proposal ni Angelo pero kasal siya kay Cash. At dahil nagbago na ang ihip ng hangin sa buhay niya, nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa asawa niya. Pero ayaw pumayag ni Cash unless magpapanggap uli siya na asawa nito sa harap ng ama ng babaeng nais pumikot dito. For the last time, pumayag siya para tuluyan nang makawala rito. What she didn't know, it was the start of something more than their "business transaction" years ago. Nagbago uli ang ihip ng hangin. She wanted to be Cash's forever.
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 276,084
  • WpVote
    Votes 4,981
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
Midnight Blue Society 1 - Romano Perez aka Roman (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 217,994
  • WpVote
    Votes 4,260
  • WpPart
    Parts 20
Naging uneasy si Princess sa unang paghaharap nila ni Romano Perez. Ang sumunod na nadama niya ay takot- takot na mapabilang sa mga babaeng nahuhumaling dito. Hindi madaling iwasan si Romano kapag nagpakita na ito ng interes sa babae. Isa itong sikat na concert pianist- rich, intelligent and very attractive. Sinong babae ang makakatanggi kapag napagtuunan nito ng pansin? At higit pa roon ang nakamit ni Princess. Pakakasalan siya ni Romano. And she accepted his proposal despite his mother's intense dislike for her. Pero tatlong araw bago sumapit ang kanilang kasal, parang gusto na niyang umurong... kahit naisuko na niya ang sarili kay Romano...
Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR) by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 149,784
  • WpVote
    Votes 2,659
  • WpPart
    Parts 11
Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were going to be together in the end. Louise hated Jaeden to the core. Ito lang naman kasi ang asshole na dumurog sa puso at pagtitiwala niya six years ago. Dahil sa pagkabigo at pait na naranasan niya rito ay nagtungo siya sa New York upang kalimutan na ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Nang magdesisyon siya na bumalik sa Pilipinas-she was already a successful pastry chef-ay taas-noong sinabi niya sa mga kaibigan niya na matagal na siyang naka-move on sa ex-boyfriend niya. And then she saw him again... Seeing him again made her realize something. She lied. Hindi pa pala siya totally naka-get over sa kanyang ex-boyfriend. Pero hindi niya aaminin iyon kahit kanino. Lalo na kay Jaeden. Ngunit nang muling suyuin siya nito ay tinanggap uli niya ito sa buhay niya. Ngunit mukhang nagkamali na naman siya ng desisyon dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya nito... ***Author's note: The hero in this novel Jaeden Lagdameo was inspired by Kim Jaejoong , well in the alternate universe, for me, Jaeden and Jaejoong are the same person.Hehe. *** This is the raw and unedited version so pardon the typos and grammatical errors you may come across with. All Rights Reserved 2013
Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 134,409
  • WpVote
    Votes 2,379
  • WpPart
    Parts 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. ============================================================ Abigail and Matthew had been inseparable since birth. Nothing could break them apart. Iyon ang akala ni Abigail. May isang bagay pala sa mundo na kayang paglayuin sila-pag-ibig. Because when Matthew started to fall for another girl, she realized her best friend was not completely hers. Pag-ibig din ang dahilan kung bakit miserable ang buhay niya. Dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Matthew. It was making her life miserable because she badly wanted to tell him how she felt but couldn't, afraid it might ruin their friendship. Mukhang wala siyang ibang choice kundi ang mahalin na lang ito sa malayuan
The Artist's First Love (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 96,425
  • WpVote
    Votes 1,546
  • WpPart
    Parts 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ... Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n! https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/ https://www.preciousshop.com.ph/home/ https://preciouspagesebookstore.com.ph/ https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/ https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/
Surrender My Heart by LittleRedYasha
LittleRedYasha
  • WpView
    Reads 144,755
  • WpVote
    Votes 2,707
  • WpPart
    Parts 17
Surrender My Heart Sharmaine Light "Kapag nagka-girlfriend ako, ayoko ng katulad mo. Gusto ko... ikaw mismo." Mala-Cinderella ang drama ng buhay ni Lyra. Nang mamatay ang kanyang ina, itinira siya ng ama sa mansiyon at nagkaroon ng instant wicked stepmother and evil half sisters na walang ginawa kundi pahirapan siya. Ang kanyang lolo ang nagsilbing fairy godfather niya. Pinamanahan siya nito and she was Cinde-Lyra no more. But wait-like in Cinderella's story, hindi rin mawawala sa eksena si Prince Charming. Isang araw, may dumating na isang prinsipe sa kanilang bahay-dala-dala ang makasaysayang sapatos! Naghahanap ng mapapangasawa si Prince Julian at kung kanino man magkasya ang sapatos, well, she'd be the lucky bride. Too bad, hindi kabilang si Lyra sa mga karapat-dapat na magsukat dahil sa pagiging anak sa labas. Pero nang wala nang tao sa paligid, walang-pakundangang isinukat ni Lyra ang sapatos. To her bewilderment, nagkasya iyon sa kanya! Ganoon na lang ang kaba at hiya niya nang mahuli mismo ni Prince Julian ang ginawa niyang kapangahasan. So, just like Cinderella, Lyra started running away from her Prince Charming. Sana lang ay hanapin din siya nito...
Once Upon Forever (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 138,253
  • WpVote
    Votes 2,341
  • WpPart
    Parts 19
Fairy Tale Retelling of Sleeping Beauty
Sa Panaginip Nga Lang Ba? by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 224,464
  • WpVote
    Votes 5,104
  • WpPart
    Parts 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him. cover photo from Google images
SWEET INTOXICATION: The Vodka Diaries by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 118,918
  • WpVote
    Votes 3,882
  • WpPart
    Parts 30
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR! Hindi inakala ni Rea na ang four year relationship niya sa boyfriend na si Mikael ay mauuwi lang pala sa isang hiwalayan. Ang rason? May iba na itong gusto-the sexier, more gorgeous and confident girl named Jessica. Hindi tuloy mapigilan ni Rea na mag-alburoto sa galit. She felt like she doesn't deserve to be treated like trash. So her action plan? Give Mikael her dose of revenge. And while she's enjoying making voodoo dolls, breaking into his house and stealing his dog, may makikilala siyang bagong kakampi. Si Louie. Jessica's ex. She easily got along with Louie because of their similarity. But when he started to be friendly with her, bigla naming pumasok sa eksena si Mikael. He came up to her, kissed her and told her: "I won't let any man get near you." Teka! Ano raw? Hindi ba't break na sila nito? Ano bang drama ito Mikael? Isa po ang kwentong ito sa Sweet Intoxication Series/ Drinking Buddies Series. Sana magustuhan po ninyo. Nakapost na rin po ang iba pang mga kwento sa series. Sana mabasa po ninyo! Salamat!