Yethbisto
PROLOGUE
INGGIT na inggit si Jeff sa dalawang
magsing-irog na naglalambingan sa loob ng
Starbucks. Habang nakapila ang mga ito,
panakaw sulyap namang tinititigan ni Jeff ang
babae. Hula niya ang babae ay isang Asian dahil
sa kulay ng balat at hugis ng mukha nito. Hindi
naniniwala si Jeff sa kasabihang love at first
sight pero hindi niya maitulak kabigin ang
nararamdaman para sa estrangherong babae.
Batid ni Jeff sa sarili na sobrang nabighani siya
sa natural na kagandahan, hubog ng katawan,
tuwid na tuwid ang mahahabang maitim na
buhok nito ay mas lalong nagpaganda sa
kaanyuan ng babae.
Ipinilig ni Jeff ang ulo para magising sa
katotohanang may nagmamay-ari na sa babaing
nagpabighani sa pihikan niyang puso. Lumabas
siya sa Starbucks, napagdesisyunan niyang sa
labas na umupo upang ma-divert ang kanyang
atensyon sa ibang bagay.
Nagdaan ang maraming araw, hindi mawaglit
sa kanyang balintataw ang maamong mukha ng
babae. Para itong anino na tila laging nakasunod
sa kanya saan man siya magpunta.
Eksaktong anim na buwan, nagulat pa siya sa
kanyang panauhin, ang mahiwagang babae na
9
9
nagpabighani sa kanyang puso ngayon ay nasa
kanyang harapan.
"Hi, good afternoon! I am looking for Mr.
Jeff, I am here for an interview."
"How are you doin? Come inside, I am Jeff. I
am glad to have you here."
"I am good, thank you! Call me Karen, sorry
if I'm a little bit late."
Ngumiti lang si Jeff ng ubod tamis tila
bagang nagpapa-cute kay Karen. Hindi niya
lubos akalain na muling mag-krus ang kanilang
landas. Ewan lang niya kung nahalata ni Karen
na puro personal info ang lahat ng mga
katanungan niya. Isa lang ang alam ni Jeff ng
araw na 'yon-"tanggap na si Karen sa
trabaho," kahit na marami pa siyang aplikante na
hindi pa nainterbyu.
Magmula noon inaraw-araw na niya si Karen
sa pinagtatrabahuhan nito.