MhayTuble's Reading List
2 stories
Kung Maging Tayo (Completed) by archangel1113
Kung Maging Tayo (Completed)
archangel1113
  • Reads 2,529
  • Votes 82
  • Parts 42
Marsha Lorraine Gatchalian. Mula pagkabata ay isinapuso na niya ang pagiging mapagbigay para sa pamilya. Panganay sa limang magkakapatid. Tandang-tanda pa niya ang paulit-ulit na paalala sa kanya ng kanilang yumaong ina ng mga panahong nabubuhay pa ito. "Kapatid muna bago ang sarili. Tandaan mo ikaw ang panganay." Na siya niyang ginawa. Kaya ngayon sa edad na trenta y uno ay N.B.S.B pa din si Marsha. As in no boyfriend since birth. Lagi na nga lang siyang laman ng kantiyawan ng mga kaibigan. Pangarap din naman niya na makahanap ng lalaking pakaiibigin siya. Na magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Hanggang sa makilala niya si Ian, isang bagong pasok na inhinyero sa kumpanyang kung saan siya nagtatrabahaho. Magpipilit itong paibigin ang puso niyang walang karanasang magmahal. Magagawa nitong paamuin ang puso niyang mailap sa pag-ibig. Pareho silang nahulog at umibig sa isat isa. Ang tahimik niyang mundo na umiikot lamang sa kanyang pamilya, unti-unti ay magkakaroon ng kakaibang sigla. Ngunit ng inaakala ni Marsha na abot-kamay na niya ang minimithi sa mga piling ng lalaking minamahal ay saka naman darating ang isang malaking problemang susubok sa katatagan niya pati na rin ng kanyang pusong mapagsakripisyo. Makakamit pa kaya niya ang pag-ibig na inaasam? O mananatiling pangarap na lamang ang lahat?
Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED) by TheRealMinieMendz
Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)
TheRealMinieMendz
  • Reads 1,950,074
  • Votes 38,884
  • Parts 33
The famous Bettina Serina Ford---ang tinatawag na brat princess doll na anak ng isang sikat na businessman, mafia, fashion designer at painter na sina Dimitri and Beatrice Ford. Everyone admires her charm, beauty, and confidence. What she want is what she get. Meron din siyang marupok na puso kaya mabilis siyang na-inlove sa kaibigan ng Kuya niya na si Chadler Yuan. Nagkaroon sila nang sekretong relasyon dahil ayaw niyang malaman ng Kuya Duke niya ang relasyon nila. At ang isa pang kadahilanan ay dahil sa dugong dumadaloy kay Chad. Isa itong chinese, kaya ayaw sa kanya ng pamilya nito. Nagtungo siya sa country club kasama ang mga sinasabing kaibigan. Ang hindi niya alam na ang club na pinasukan niya ay ilegal pala na para sa mga foreigner na kumukuha ng prostitute. Sa isang iglap, dumating ang police team at inaresto ang lahat ng tao na nasa club. Even her. Siya ang natatanging naaresto sa kanilang magkakaibigan, dahil iniwan siyang mag-isa na lango sa alak. Meet the handsome Lieutenant General Rico Dominic Esquivar. Ang seryosong police man na umaresto kay Bettina sa club. Nanggagalaiti siya sa galit nang malaman niya na napakabata pa ni Bettina. She's only 15 years old for God's sake. He hates girls trying to be a mature woman. At naiinis siya sa mga babaeng nagtutungo sa club para ipakita ang balat sa ikli ng kasuotan. And he hates her because she's so liberated at her age. Siya ang matinong pulis na dedikado sa kaniyang trabaho. At ang matinong pulis na magpapatino sa bratty princess ng mga Ford.