ValerieCornejo's Reading List
4 stories
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 82,211
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 10
Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi lang iyon, naiinis din siya dito dahil guwapo ito, mabait at sobrang maalalahanin. Mga ugali nitong kayhirap balewalain. Laking gulat niya ng isang beses ay lumapit ito sa kanya at nagsabing manliligaw. Noong una ay inakala niyang biro ito, ngunit kinagabihan ay personal na humarap ito sa kanya at sa mga magulang niya. At sa pagdaan ng mga araw, pinatunayan nito ang katapatan nito sa kanya. Hanggang sa unti-unti ay mahulog ang loob niya dito. Ngunit hindi niya inaasahan na may magbabalik mula sa nakaraan niya, si Robert. Ang kanyang first boyfriend. Ngunit sa pagbalik nito, ay siya naman biglang pag-iwas sa kanya ni Mark at tuluyang paglayo nito. Bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na mahal na niya ito.
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 83,177
  • WpVote
    Votes 1,299
  • WpPart
    Parts 10
"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging successful at maging masaya. Dahil simula ng mamatay ang Mama niya, at muling mag-asawa ang Papa niya. Tila naging malabo na ang pangarap niyang iyon. At tila lalo siyang nawalan ng pag-asa ng sumunod na pumanaw ang Papa niya. Naiwan siya sa Stepmother niya, na parang tunay na anak na ang naging turing sa kanya. At sa anak nitong babae at itinuturing niyang Ate. Ngunit simula noon, hindi na maganda ang relasyon nila ng Ate niya. Madalas siyang mapahamak ng dahil dito. Inaagaw ang lahat ng para sa kanya. Pero hindi siya lumalaban dito. Ang madilim niyang mundo ay tila biglang nagliwanag ng makilala niya si Karl. Ito ang may-ari ng Bar na pinapasukan niya. At lalo pa silang naging malapit sa isa't isa ng manalo siya ng kotse sa Mondejar Cars Incorporated. Sa pagdaan ng mga araw, tumibok ang puso niya para dito. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kulay ang buhay niya. Para lamang masaktan, dahil ng makilala nito ang Ate niya, dito ito naging interesado. Pero dumating ang araw na kinailangan niyang umamin sa damdamin niya dito. Isang bagay na hindi niya alam kung dapat niyang pagsisihan, dahil iyon ang naging daan para lumayo si Karl sa kanya. Hanggang kailan ba niya kailangan umiyak? Hanggang kailan ba siya masasaktan?
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 170,756
  • WpVote
    Votes 3,054
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,473
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?