Isang takot magtiwala at magumpisa.
Isang takot makasakit at bumalik.
At isang takot lumaban.
Hanggang kailan ka matatakot?
Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya?
Mananatili ka na lang ba takot at magisa?
Sino ka sa kanila?
Sabi nila isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ang mahulog sa bestfriend mo. Pero para kay Ashley yun ang pinakamahirap na pakiramdam dahil hindi alam ng bestfriend niyang si Krystal na araw araw siyang nahuhulog dito.