TheAvoider's Reading List
16 stories
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 630,615
  • WpVote
    Votes 16,572
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 138,349
  • WpVote
    Votes 2,417
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...
Romance-Comedy of Errors by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 9,655
  • WpVote
    Votes 320
  • WpPart
    Parts 11
"Hindi mali ang mahalin ka. Ang mali ay ang hindi ka mahalin." --- Babaing mali-mali - iyan si Saling. Marami man siyang pagkakamali ay napapasaya naman niya ang mga tao sa paligid niya. Sa araw ng birthday niya, nag-wish siya na sana ay makilala na niya ang 'forever' niya. Sa loob ng ilang minuto ay tumambad sa harap ng kanyang pintuan ang Korean-American hottie na si Collin Park. Imbes na kiligin ay natakot siya sa birthday gift na ito ni Lord sa kanya. Ipakukulong siya ng lalaking ito! Nalaman ni Saling na ninakawan ng kapatid niya ang binata. Inosente siya at walang pagkakamaling ginawa. Pero isang paraan naman ang naisip ng kapatid niya para maabsuwelto sila: ang paibigin si Collin! In fairness, may tama ang kapatid niya!