EffervescentLass
- Reads 1,597
- Votes 47
- Parts 25
Ayokong magkwento sana ng tungkol sa buhay ko. Lalo na kung pribado eto. Hindi ako yung tipong magsheshare just for the sake na kaawaan ako ng ibang tao o kaya para humingi ng advice o kaya para humngi ng compliments. At ang ayoko sa lahat, ayoko ng drama. Mapapamura ako sa lahat ng kadramahan at kaartehan na makikita ko.
Siguro kaya ganito nalang ang nangyari saamin ni Jed. Punyeta dami kasing arte kapag nasa relasyon eh yan na nga ba ang sinasabi ko.
Gusto ko magsulat dahil alam kong madaming babae ang nakadadanas ng sitwasyon ko. Tipong litong lito ka na kung papagpatuloy mo ba ang relasyon na lubusang nagpapasaya sayo, pero siya ding dumudurog sayo. Masaya ako ngayon...dahil sa pinili kong choice. Nagsacrifice ako ng mga bagay alang alang sa choice na to. Should I have chosen the other it would have been a far different outcome. Masakit na may mga bagay na nawala. Pero ganun talaga ang buhay, sa dalawang pagpipilaan may isang mawawala. In my case, namili ako kung si Jed o ang sarili ko. Ngayon siguro inimagine niyo nang batukan ako, kasi sasabihin niyong lahat sarili ko malamang ang dapat kong pipiliin. Napakadaling sabihin, "Gaga, eh di sarili mo!". Samahan niyo nalang ako sa aking storya kung bakit mahirap mamili sa dalawa at baka makarelate pa kayo. Sa bandang huli malalaman mo din ang totoong sense ng aking desisyon.