DanyahDalidig's Reading List
4 stories
Posh Girls Series Book 2: Akira (Complete; Published by PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 38,236
  • WpVote
    Votes 836
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gusto ko ang gusto kong makuha... gusto kong makuha ang makakapagpaligaya sa akin." Dahil panganay na anak si Akira Morales, expected ng lahat na siya ang makakatulong ng kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang real estate business. Pero sa napakahabang panahon ay tinanggihan niya ang responsibilidad na iyon. She just couldn't imagine herself working in an office and attending different meetings and biddings. Ang gusto niya ay party... party... at party. Hanggang sa nakilala niya si Raizen Wayne, ang representative ng construction firm na nakilala niya dahil sapilitan siyang pinapunta ng ama sa meeting kasama ang binata. Instant attraction ang nadama ni Akira para kay Raizen. Dahil likas na pilya at may taglay na kakaibang karisma, ipinangako ni Akira sa sarili na tulad ng ibang lalaki ay mahuhumaling din sa kanya si Raizen. Pero mukhang siya ang unti-unting nahuhumaling kay Raizen, at ang mahirap pa roon ay mukhang ginagamit lang siya ng lalaki para makuha ang gusto sa kanilang kompanya. Gustuhin man niyang umiwas upang hindi masaktan ay tila huli na. Lalo pa at hindi lang puso niya ang hawak ng binata kundi pati ang kanyang journal. She and her reputation were at Raizen's mercy.
Devoted (Completed) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 371,285
  • WpVote
    Votes 8,580
  • WpPart
    Parts 29
Sometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa magkaharap muli ang kapwa brokenhearted na sina Mimi Punzalan at Mark Soriano. Pareho silang naglaan ng mahabang panahon at nag-invest ng pagmamahal sa mga taong hindi naman sila totoong minahal. Naisip ni Mimi, wala naman sigurong masama kung susubukan nila ni Mark na mahalin ang isa't isa. "Be my boyfriend, Mark," deretsahang sabi ni Mimi. Napamata sa kanya si Mark. "Pakiulit." "Let's be officially together. I'll be your girlfriend, you'll be my boyfriend. Subukan lang natin. Tingnan natin kung compatible tayo. Mukhang magkakasundo tayo nang husto. Guwapo ka, maganda ako. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Iniwan ka, pinagtaksilan ako. We can heal each other. We can make each other happy." "Okay." Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. "Okay? Okay, let's just forget about it?" "No. Okay, let's be officially together. You'll be by girl, I'll be your man. We'll be devoted to each other. Only to each other." Magtatagumpay ba ang relasyong by choice at hindi nagsimula sa pagmamahalan? - guys, this is the unedited version, okay? patawarin po muna ako sa mga mali. happy reading! :)
Strawberries & Champagne by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 177,010
  • WpVote
    Votes 5,692
  • WpPart
    Parts 22
Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama. Naniniwala siyang puwede pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya kahit walang lalaki sa buhay niya. Para magkaanak, naisip niyang mag-undergo ng artificial insemination. Pero nakakita siya ng ibang paraan nang may hinging pabor ang best friend niyang si Chris. Pumayag siya na maging fake fiancée nito dahil may lihim din siyang agenda-ang magpabuntis dito. Nagbuntis naman si Angelique. Kasabay niyon, kinailangan ni Chris na mag-stay sa Amerika. Sa loob ng limang taon ay napagtagumpayan ni Angelique na palabasin sa lahat na ang anak niya ay produkto ng artificial insemination. But Chris was back. At gusto siya nitong pakasalan para daw magkaroon ng ama ang kanyang anak. Hindi siya papayag! Baka matuklasan ni Chris ang panloloko niya rito at maging dahilan pa iyon para mawala sa kanya ang pinakamamahal na anak.
Chances (Published under PHR) by TriciaKye
TriciaKye
  • WpView
    Reads 82,002
  • WpVote
    Votes 1,176
  • WpPart
    Parts 10
"Leave all those moments of sorrows and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever." Totoong masaya si Tappie para sa best friend niyang si Jen nang umuwi ito sa Pilipinas mula Amerika para ibalita na ikakasal na ito. Pero agad na nawala ang kaligayahan ni Tappie nang malaman na ang fiancé ni Jen ay si Mark, ang lalaking nang-iwan sa kanya at hindi sumipot sa kanilang kasal. Bumalik sa kanya ang lahat ng sakit, lalo na nang makaharap muli si Mark na para bang hindi siya nito kilala. Ngunit kasabay niyon ay ang panunumbalik ng pagmamahal niya para sa lalaki. Napagpasyahan ni Tappie na hindi sabihin kay Jen ang katotohanan. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan. Kahit alam na rin nito ang istorya nila ni Mark, na minsan ay hindi nito nakilala noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Habambuhay na lang ba siyang masasaktan? O hahayaan niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Mark kahit may isang taong masasaktan?