Prncz23's Reading List
4 stories
Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 391,707
  • WpVote
    Votes 8,651
  • WpPart
    Parts 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama. Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial's hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya. Where's her chance?
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 171,159
  • WpVote
    Votes 2,649
  • WpPart
    Parts 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa ang self confidence niya at mababa ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman ito mahirap mahalin. Inakala pa nga niya na may katugon ang nararamdaman niya sa binata pero nang magtapat siya dito bago ito umalis ng bansa, napatunayan niyang pakikipag-kaibigan lang pala ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makalimutan ito. Kahit ang makipag-usap sa mga kaibigan nito ay iniwasan niya mapadali lang ang magmo-move on niya. Paglipas ng limang taon ay hindi niya inaasahan na magkikita pa uli sila ng tanging lalaking minahal niya. Muli ay naging malapit siya dito lalo na nang magpanggap itong nobyo niya nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Hahayaan na naman ba niyang umasa ang puso niya na may pag-asang mahalin din siya ng lalaking hindi naman pala nawala sa puso niya kundi nagtago lang sa kaibuturan niyon? O nanamnamin na lang niya ang masarap na pakiramdam sa piling nito hanggang sa matapos ang pagpapanggap nila?
When I See You Smile (published under Phr completed)    by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 139,100
  • WpVote
    Votes 2,474
  • WpPart
    Parts 10
Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa harapan pa mismo ng opisina niya. At siya ang nahihiya sa pagbuyangyang nito ng katawan doon. Chazel was a conservative type of woman, at mahalay para sa kaniya ang makakita ng mga lalaking halos nakahubad na. Pero tila naman pinaglalaruan sila ng tadhana ni Race. Kahit saan siya magpunta ay biglang sumusulpot ito sa kung saan. He roled like a knight inshining armor to rescue a damsel in distress. Siya ang tinutukoy na damsel. Tulad ng mga love stories and fantasy, siyempre ay may kontrabida. Starr roled the 'kontrabida' part. Pero kabaligtaran ang nangyari; ang kontrabida ang minahal ng hero? How sad!
Red Is The Color Of Violet [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 134,182
  • WpVote
    Votes 2,838
  • WpPart
    Parts 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini-assign sa kanyang butler-slash- bodyguard-slash-chauffeur. Wala siyang balak alamin ang tungkol sa lalaking araw-araw niyang kasama, promise! Pero unti-unti ay gusto na rin ni Violet na ungkatin ang mga impormasyon tungkol sa lalaki. "My name is Red Miranda. That's all I can tell you." Now that she knew his real name, it seemed that she hungered for more information. Gusto niyang makilala nang husto si Red. At sa kanyang pagtuklas sa pagkatao ni Red-na very interesting pala-unti-unti rin niyang natuklasan ang excitement na hatid ng lalaki. --------------------------------------------------------- Released under Precious Hearts Romances Available for only Php 42.00