Celine Isabella/Celine Alqueza Reading List
10 stories
My Fantasy, My Reality (PHR 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 72,734
  • WpVote
    Votes 1,611
  • WpPart
    Parts 10
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siya. Itinuring na lang niyang isang business deal ang lahat dahil parehong makabubuti sa mga pamilya nila ang pag-iisang-dibdib na iyon. Walang mawawala sa kanya kung papayag siya. Ngunit ilang linggo bago ang nakatakdang pagkikita nila ng mapapangasawa niya, bigla niyang napagtanto na may mawawala pala sa kanya. Dahil nakilala niya si Ulan at binagyo nito ang nananahimik niyang puso...
My Sweetest Wish (published by PHR - circa 2011) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 54,454
  • WpVote
    Votes 1,087
  • WpPart
    Parts 11
an old PHR novel - dahil sa community quarantine, bigyan ko kayo ng konting paglilibangan. 2nd book ko ito na na-publish yeaaaaars ago. enjoy!
That One True Thing by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 262,343
  • WpVote
    Votes 5,811
  • WpPart
    Parts 40
Nang magkaproblema si Psyche dahil sa inirereto ng mga magulang niya, i-v-in-olunteer ni Tep ang sarili nito na tulungan siya. Nag-click ang "loveteam" nila ni Tep. Napaniwala nila ang mga magulang niya, naitaboy ang inirereto sa kanya. At dahil yata masyadong na-internalize ni Tep ang role bilang boyfriend niya, tuluyan nang nahulog pati ang loob niya. Dahil sa nararamdaman niya, hindi na siya nag-isip. And they found themselves caught in a situation a lot more complicated than what they had initially planned.
Endings and Beginnings by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 487,608
  • WpVote
    Votes 11,362
  • WpPart
    Parts 66
Ayon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dreams started getting in the way. Okay lang naman iyon sa kanya. Mahal niya ito kaya nakahanda siyang intindihin ito. Naging ever-supportive girlfriend siya. Hanggang sa may isang pangyayari na nagpabago sa pananaw niya sa buhay. And that incident made her realize she couldn't bend anymore. Nagkalayo sila. Pagkalipas ng siyam na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. There was no denying that the attraction was as strong as ever. At hindi nila nagawang labanan iyon. But Ibarra could only give her a few weeks to be with him. At ang drama nila: no strings attached. Ang tanong, kaya ba niya?
Love, Pain and a Whole Lot of crazy Things (Precious Hearts Romances - 2014) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 145,361
  • WpVote
    Votes 3,354
  • WpPart
    Parts 25
"I'd gladly kiss you a thousand times right at this minute - no, make that a million times right at this minute - to make up for that one time that I so stupidly did not." Sarah knew that Vice Mayor Ulrich Balajadia was a distraction that she must avoid at all costs. Labindalawang-taon kasi ang nakakaraan, nagawa niyang traydurin ang kapatid niya dahil lang sa magic na taglay ng ngiti ni Ulrich. Kaya kailangan niyang mag-focus. Kahit ngumiti nang ngumiti si Ulrich, hindi pa rin niya dapat makalimutan ang lahat ng mga paniniwala at ipinaglalaban niya. She was powerless against his charms, though. Bumigay siya. Pinabayaan niya ang sariling muling mahulog dito. Ayos lang naman sana dahil mahal din naman daw siya nito. Daw. Para kasing hindi naman totoo.
Because Almost is Never Enough by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 388,976
  • WpVote
    Votes 8,830
  • WpPart
    Parts 35
Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang nakakaraan mula nang ma-annul ang kasal nila. History na iyon. At sabi nga nila, past is past. Pero dapat pala ay hindi na lang siya humalik sa pisngi ni Yael. Hindi pala kasi handa si Jackie sa wala pang dalawang segundong pagdaiti ng pisngi niya sa pisngi nito. She suddenly became so aware of her ex-husband's oh-so gorgeous stance and sinfully sexy grin. Muli, nabuhay ang mga alaala. Mga alaalang masarap balikan... masarap ulitin. The inevitable happened. Nagkabalikan sila. And history repeats itself. Pero hanggang saang parte ng history nila ang mauulit? Hanggang hiwalayan din uli?
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,636
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?
The Widow's Peak (R-18) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 2,260,551
  • WpVote
    Votes 30,122
  • WpPart
    Parts 64
(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong taon kasi ang nakakaraan ay namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila. At sa sobrang sama ng loob ay nakunan pa siya. There was no guarantee that the same thing will never happen again. Baliw na lang ang gugustuhin pang muling dumaan sa ganoong sakit. Until Jared suddenly came into the picture. Muling sumaya si Lindsay. She considered taking a chance... She took a chance. Pero nalaman niyang may sekreto palang itinatago si Jared.
Something Old, Something New (printed copies now available) by CelineAlqueza
CelineAlqueza
  • WpView
    Reads 9,951
  • WpVote
    Votes 342
  • WpPart
    Parts 9
Kung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress with flawless features. And at the age of forty-two, some would even say I am way past my prime. Eh, nakikipagkumpetensiya daw ba kasi ako sa mga heroine? Nananahimik nga lang akong nagkakape isang umaga. Minding my own business. Basking in the remote depths of my solitude. Pero isang tawag ang natanggap ko galing ng San Clemente. Because of a prank gone wrong. April Fools' Day daw kasi. Never in my wildest dreams did I ever imagine that a stupid prank would bring me back to my hometown. To the long-forgotten memories of my youth. Into the arms of Zeus. Zeus was the first boyfriend. He broke my heart twenty-seven years ago. Kung cute siya noon, hot Tito na siya ngayon. Ubod rin siyang bango. Amoy mamahalin. Parang masarap mahalin! At dahil nga baliw ako, parang gusto kong mahalin uli... Ako nga pala si Diosamia"Mia" Hernandez, a certified Tita. Today I am going to tell you a story about first love and second chances . My very own love story.
The Desperate Ex-Wife by CelineAlqueza
CelineAlqueza
  • WpView
    Reads 78,128
  • WpVote
    Votes 2,962
  • WpPart
    Parts 20
WARNING: MATURE CONTENT (R18) Desperate times call for desperate measures. Kaya pagkatapos ng siyam na taon, muling umuwi si Helga sa San Cristobal. She had a purpose. And that was to seek the help of her ex-husband, Mayor Keith Arzadon. Sa tingin ni Helga ay wala namang problema kung sakali. After all, the decision to end their marriage, almost a decade ago, was mutual. They parted as friends. Si Keith pa nga mismo ang naghatid sa kanya sa airport. Ganoon naman kasi talaga si Keith. Thoughtful. Caring. Her bestfriend. Kaya ganoon na lang ang gulat ni Helga nang tila ibang Keith na ang nakaharap niya. He was now treating her like she was a total stranger. Sinabi ni Helga ang problema niya. Napapayag naman niya si Keith na tulungan siya. Keith, though, made it clear from the get-go that he only wanted to fuck her. Nothing more. She agreed. She could not afford to be choosy. She was desperate.