ramelle_07's Reading List
2 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,276,902
  • WpVote
    Votes 1,333,754
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
When God Made You (Published under PSICOM Publishing, Inc.) by melainecholy
melainecholy
  • WpView
    Reads 13,148
  • WpVote
    Votes 597
  • WpPart
    Parts 14
"True love is real. If you are able to find it, you are lucky. If that person finally arrived, never waste time searching for reasons. Just fall in love and let love give you the best lessons in life. Because love indeed is the most wonderful gift you can ever give and receive." They said, once in your life you will have a chance to meet your Mr. Right. Someone who will perfectly define what love means. Someone who will show you how great it is to fall in love...no buts, no what ifs, and no whys. Ngunit paano kung makita mo nga ang "someone" na hinahanap mo, pero bigla ka naman niyang iiwan nang di mo alam ang dahilan? Because of that not so good experience of love, Sandra declared that she's done with love life. But everything she said about not falling in love again got burned when her ex came back. Kasabay noong bumalik ang feelings niya dito. Dahil sa muling pagbabalik ni Ross sa buhay niya, muli rin nitong pinadama sa kanya na totoo ang true love. He even claims the position of being her Mr. Right. What if love at second chance will never last forever? Handa ka bang maiwan uli? Cover by: Charlene Payawal