starcy18's Reading List
7 stories
The Reckless Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 209,950
  • WpVote
    Votes 2,831
  • WpPart
    Parts 10
Lakas-loob na nakipagpustahan si Elise kay Jarvis kahit na malaki ang posibilidad na matalo siya at maging alipin nito. Hindi niya rin naman kasi akalain na seseryosohin iyon ng lalaki kaya napasubo na siya. She gave her hundred and ten percent for her overall makeover. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nakilala siya bilang isang "playgirl" kahit na medyo edited version lang naman iyon ng katotohanan. Ngunit kung kailan akala niya ay tagumpay na siya, nalaglag ang panga niya sa sahig nang muli silang magkita ng lalaki makalipas ang sampung taon! Kung dati kasi ay fafable na ito, ano pa kaya ngayong nag-mature na ang mga assets nito? Puwede na nga siguro itong bigyan ng free pass sa Mount Olympus kung saan ito nababagay. The guy's a freaking god of hotness! Ano kaya kung magpaalipiin na lang siya rito? Hindi na siguro siya talo doon...
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart by _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    Reads 121,600
  • WpVote
    Votes 2,684
  • WpPart
    Parts 13
[First love never dies...] For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito. Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito. She did not expect she would fall in love with him. Again...
(COMPLETE) HOT INTRUDER-THE RECKLESS INTRUDER by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 59,600
  • WpVote
    Votes 908
  • WpPart
    Parts 11
Nang mabalitaan ni Bliss na bumili ng bahay sa village na tinitirahan niya si North, naisip niyang gumawa ng paraan upang mapansin siya nito. She sent him gifts with cards saying they all came from his secret admirer. Subalit isang pagkakamali pala ang nagawa niya. Dahil hindi si North ang lalaking lumipat sa bahay na inakala niyang nabili ng lalaki kundi ang pinsan nitong si Kion Campbell Navarre, the mouth-wateringly gorgeous bad boy heir to the Campbell wealth. At sa malas, inakala nito na isa siya sa mga nagbabalak ng masama laban dito kaya pinasok nito ang bahay niya at pilit siyang pinaamin kung sino ang nag-utos sa kanyang pagbantaan ang buhay nito. Akala niya ay si North ang kapalaran niya. But she soon found herself falling for Kion, the man who recklessly stole her heart after he intruded in her life.
Hot Intruder-The Gallant Intruder by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 40,860
  • WpVote
    Votes 436
  • WpPart
    Parts 5
"I can only promise to love you for as long as my heart beats. That's all a man can really promise." Hindi inaasahan ni Anna na malalagay sa panganib ang buhay niya nang mabulabog ang tahimik na buhay niya ng isang intruder na sinusubukang nakawin ang painting sa dingding ng bahay niya. Kay dali kasi niyang napabagsak ito. Pero laking pagsisisi niya nang makita niya ang hitsura ng kanyang intruder na "Mack Gallan" pala ang pangalan. Sa halip na isuplong sa pulis, parang mas gusto niyang gawing permanenteng parte ito ng bahay at buhay niya. He was so hot! Titig pa lang nito ay natutunaw na ang puso niya! Sa malas, saan man ito sumuot ay tila sinusundan ito ng mga taong nais burahin sa Earth ang kagandahang-lalaki nito. Pero ang mas malas, pati siya ay idinamay nito sa papaikling lifespan nito. Pero maano ba kung ganoon? Kahit siguro ilog na puno ng linta ay kaya niyang lusungin para dito...
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,617
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 138,382
  • WpVote
    Votes 2,417
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,138
  • WpVote
    Votes 5,014
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.