Shine_royalty's Reading List
17 stories
One-Week Date Project by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 66,232
  • WpVote
    Votes 2,004
  • WpPart
    Parts 20
Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head editor ng publishing house na pinagsusulatan niya upang tanungin ito kung ano ang problema. He turned out to be the gorgeous France Buencamino, the guy she rejected back in college for being a playboy. Ayon dito, kulang daw sa romance ang mga nobela niya dahil hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. He offered to help her out. "Date me for a week," anito. "It will give you a brief idea of what romance truly feels like." At tiyak daw na ang resulta niyon ay makakasulat na siya ng isang nobela na siguradong maa-approve. She thought it made sense so she accepted his offer But during their "dates," she started to fall for him. May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang "romance" nila pagkatapos ng "one-week date" nila? At kung sakali, kaya ba niyang i-reject uli ito kapag napatunayan niyang hindi pa rin ito nagbabago sa pagiging palikero nito?
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 83,225
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 55
Malaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong scandal. Engaged na ang kanyang best friend at tanging lalaking idinambana sa kanyang puso mula pa noong high school. Pakiramdam ni Madi ay gumuho ang kanyang mundo. Nasa gitna siya ng matinding kalungkutan nang muling umentra sa kanyang buhay si Pol, na noong eight years old pa lang ay wala nang sawa sa pagpapahayag ng pagsinta sa kanya. Hindi si Pol ang pinangarap ni Madi na maging leading man sa totoong buhay. Dahil bukod sa makulit ay mas bata ito sa kanya. Pero bakit nang hindi sinasadyang mahalikan niya si Pol ay gusto pa niya ng isa? At bakit ang binata ang una niyang hinahanap kapag bumabagsak ang magulo niyang mundo?
Everything Started With A Kiss by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 34,800
  • WpVote
    Votes 1,162
  • WpPart
    Parts 19
Alam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry. Wala siyang balak isugal ang puso niya rito. But something happened between them which turned her world upside down. At ngayon ay nakikita na niya ang lahat ng magagandang katangian nito na hindi naman niya dati napapansin. Should she take a gamble and let herself fall in love with someone like him?
Seasons 1: Memories of Winter by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 23,801
  • WpVote
    Votes 1,020
  • WpPart
    Parts 23
"Someday, you'd ask me to come back to you. But I won't love you again." Iyon ang masasakit na salitang binitiwan ni Miles kay Atasha nang makipaghiwalay siya rito. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Pinaniwala niya ito na hindi niya ito minahal kahit napakasakit niyon sa kanya. Kailangan niyang gawin iyon para makamit nito ang magandang kinabukasang naghihintay para dito. Pagkalipas ng walong taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Isa na itong matagumpay na businessman. Dapat ay masaya siya dahil hindi nasayang ang pagsasakripisyo niya noon, pero labis-labis ang sakit na nadama niya dahil mukhang tinotoo nito ang mga salitang binitiwan nito noon sa kanya. Tila tinuldukan niyon ang anumang pantasyang natitira sa kanya na magkakabalikan uli sila nito.
Of Love and Serendipity by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 72,114
  • WpVote
    Votes 2,134
  • WpPart
    Parts 26
Matindi ang paniniwala ni Serendipity sa destiny. Kaya nang humingi siya ng sign sa langit at ipinadala sa kanya si Tristan ay ginawa niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin nito. She believed he was fated to be hers. Pero nang magtapat siya rito ng damdamin ay tinapat siya nito na kalimutan na lang niya iyon. May iba raw itong mahal. The night she was rejected by him was the last time she ever saw him. Nang akala niya ay nakalimutan na niya ito ay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. She realized he was the same Tristan she loved but it seemed he was bound to break her heart again. Dahil nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Maniniwala pa ba siya sa love at destiny?
Seasons 2: A Second Chance in Spring by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 14,124
  • WpVote
    Votes 548
  • WpPart
    Parts 19
Mamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae ang nakikita niya. A girl with pigtails, braces, and shy smile seemed to be walking towards him instead. He knew her name, of course. Hindi niya nagawang kalimutan iyon kahit kailan: Adriana Montecillo. His Andy. At sa kalagitnaan ng kasal, sa harap ng lahat ng mga taong naghihintay sa pakikipag-isang dibdib niya sa isa sa mga pinakapipitagang babae sa lipunan, sinabi niya ang dalawang salitang magbibigay ng sakit ng ulo sa lahat ng bisitang inimbita niya. "I'm sorry." And then he ran out of the wedding venue as fast as he could-as far as his feet would take him. Kasunod niya ay ang press na kating-kati nang isulat ang malaking eskandalo. Now what?
Seasons 3: The Fall of Autumn by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 13,168
  • WpVote
    Votes 451
  • WpPart
    Parts 21
Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gabby," sabi pa nito. Asa! Habambuhay na sigurong ganoon ang reaksyon niya kay Sid. That was, until he kissed her. Ang resulta - biglang hinahanap-hanap ng mga mata niya ang presensya nito. But she was the great Gabrielle Montecillo. Hindi niya hahayaan ang sariling tuluyang mahulog ang loob sa hamak na sekretaryo niya. Sulsol ng matigas niyang ulo : Ows? Is that your final answer?
Isang Salitang May Tatlong Letra by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 6,347
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 9
May dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang gabi. Sa Bogs na ayaw nang magmahal. Si Bogs na ayaw ng commitment. At si Bogs na isang tingin pa lang, gusto nang lundagin ni Joey at ito naman ang alayan ng forever. Joey knew that Bogs couldn't give her permanence. Pero napagtanto din niya - mas gusto niyang subukan ang "hindi sigurado" sa piling ni Bogs, kaysa subukan ang "sigurado" pero wala naman ito.
THE BILLIONAIRES OBSESSION (ON HOLD) by Shaniah_22
Shaniah_22
  • WpView
    Reads 7,455,143
  • WpVote
    Votes 54,701
  • WpPart
    Parts 17
HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN ROMANCE 08-28-16 BY: SHANIAH_22 SHANIAH MARIE LOMBOY Billionaire Series #1 Dennis Andrew Crawford a 26 year old billionaire, he always get what he wants. Expensive cars, staying in a luxurious hotels, having his own town house, girls that would warm his bed at night, and many properties, just name it. He could have anything, ANYTIME in just a snap of his damn fingers. But there's one thing that he doesn't have. A HEART
A Wife's Revenge by Shaniah_22
Shaniah_22
  • WpView
    Reads 159,605
  • WpVote
    Votes 2,907
  • WpPart
    Parts 11
Lauriane Jhoyce Necir and Ethan Dizon