AnaroseOng's Reading List
19 stories
The Cavaliers: DREW by mydearwriter
mydearwriter
  • WpView
    Reads 216,619
  • WpVote
    Votes 5,260
  • WpPart
    Parts 18
The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on Twitter and Instagram *** @mydearwriter
Tale As Old As Time (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 79,337
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang makilala niya si Kwesi. Para itong anghel na pinababa sa lupa upang mabilis siyang maka-recover mula sa pagkasawi niya. Sa maikling panahon ay na-in love siya sa binata. Kinalimutan niya ang mga agam-agam dahil sa puso niyang nagpasyang mahalin ito. Hanggang sa malaman niya kung sino ba talaga ito at kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. Dapat pa ba niyang ipagkatiwala rito ang puso niya o hahayaan na lamang niyang masaktan siya nito?
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 237,978
  • WpVote
    Votes 954
  • WpPart
    Parts 7
"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang marinig iyon kay Apollo, ang nag-iisang lalaking minahal niya. Pero hindi niya ito masisi, because those were the same words she said to him when she left him a few years ago. Nasasaktan man ay naiintindihan ni Jean si Apollo. She left to allow him to move on with his life without her and he did. But she was back now. At si Apollo ang binalikan niya. Wala siyang planong layuan ito kahit pa lantaran siyang ipagtabuyan, kahit may girlfriend na ito. Hindi siya magpapatinag. Nabigyan siya ng pagkakataong mabalikan si Apollo kaya hindi niya palalampasin iyon! She still loves him and she would make him realize he still feels the same towards her. Hindi bale nang magmukha siyang stalker sa kakasunod kay Apollo. She's back and she's never going anywhere without him!
POD: Sunshine And You (COMPLETED!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 465,589
  • WpVote
    Votes 4,568
  • WpPart
    Parts 13
Pinilit si Celine na dumalo sa isang masquerade ball--- ang Party of Destiny. Ayon sa host na si Lolo Kupido, doon makikilala ni Celine ang lalaking babago sa buhay niya. True enough, nakilala niya sa pagtitipon si Daniel Cavelli. He was every inch a man. He was oozing with sex appeal, bold, intriguing, and mysterious. At pinukaw ng lalaki ang kanyang interes. Pareho nilang alam ni Daniel na intresado sila sa isa't-isa. They both agreed to acknowledge the strong physical attraction between them and acted on it. Pero nadiskubre ni Celine na isang kumplikadong tao pala si Daniel para mahalin. Disclaimer: Bagaman totoo ang sakit na Porphyria. Hindi ibinase sa totoong pangyayari ang kuwentong ito. :)
The Fierce Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 60,715
  • WpVote
    Votes 1,124
  • WpPart
    Parts 10
Sa buong buhay ni Jaeda hindi niya pinangarap na maging tulad ni Batman na magkaroon ng isang secret identity. Pero hindi naiwasang maging ganoon ang sitwasyon dahil talo pa ang bawal na gamot nang malulong siya kay Spencer Aaron Mapa. She became addicted to both car racing and her idol. Kaya para maitago sa mga kaibigan at pamilya-na alam niyang kokontra-ay nabuhay ang mysterious lady racer na si "Lady J". Alam niyang sa ganitong paraan ay mabilis siyang mapapalapit sa iniidolo. Hindi niya inaasahang matutupad din ang kahilingan niyang iyon. Ang akala niya ay handa na siya kung saka-sakali pero hindi niya napaghandaan ang mabilis na pagkakahulog ng puso niya para rito. Okay lang sana iyon kung hindi lang nito mahal ang matalik niyang kaibigan. Isama mo pang gustong makipagbalikan dito ng Barbie-look-a-like ex nito. At ang pinakamalupit ay mukhang nagkakagusto na rin ito kay Lady J. Ilang babae pa ba ang mali-link dito? Talo pa siya ng secret identity niya dahil kahit kailan ay hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Pakbet na mapait!
The Brave Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 145,028
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Unang manuscript ko po published under PHR in 2011! :) Dahil sa mga kaibigan niya kaya muntikan nang mapahamak si Colette. 'Buti na lang at to the rescue si Jared, ang instant "baby" for the night niya dahil pumayag itong magpanggap na nobyo ay napalayas nito ang mga kumag na nanggugulo sa kanya. Nang dumating ang araw na ito naman ang nangailangan ng pretend girlfriend ay hindi na siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Besides, she wanted to return the favor. Pero hindi niya naisip na may mga consequences pala ang pagpayag niya sa role na 'yun. Una, sobrang obsessed dito ang ex nito na halos binabantayan na lang ang lahat ng babaeng lalapit sa binata. Pangalawa, merong kontrabidang prankster na nanggugulo sa kanya dahil "sila na" ng binata. At pangatlo-at ang pinakamalala-mukhang nahuhulog na 'ata ang loob niya sa binata! Oh no! Wala iyon sa usapan. Wala siyang planong ma-in love sa lalaki... As in wala! Ows... wala nga ba talaga?
The Prude Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 83,104
  • WpVote
    Votes 1,620
  • WpPart
    Parts 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ngunit ang tanging panira lang sa tahimik niyang buhay ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak yata ito para asarin at bigyan ng konsumisyon ang buhay niya! Pero bakit kung kailan nagkaroon na ng ceasefire sa pagitan nila ay saka naman nagkaroon ng digmaan sa puso't isipan niya. She seems to be falling for him! Pero ano naman ang panama niya sa mga naggagandahang mga babaeng naghahabol dito kung siya ay isang dakilang "manang"... sa isip, sa salita, at sa gawa?
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,379
  • WpVote
    Votes 4,979
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
The Obnoxious Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 88,714
  • WpVote
    Votes 1,679
  • WpPart
    Parts 11
Pagdating sa pag-ibig ay may dalang kamalasan si Aika. Sa tuwing kasi mai-in love siya ay lagi na lang dead-end ang kinahahantungan ng buhay pag-ibig niya kaya hanggang crush lang ang status na puwede niyang ilaan sa mga kalahi ni Adan. Kaya nang masaksihan niya ang pagkakabasted ni Migi ng girlfriend nito ay awang-awa siya sa guwapong nilalang. Bigla siyang tinopak ng pagiging Good Samaritan niya. Pero kung siya rin naman kasi ang tatanungin, iyon na siguro ang pinaka-lame na proposal na nasaksihan niya sa buong buhay niya. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay pinayuhan niya ito. "Oh really? Why don't you show it to me then?" Ano raw? Pikutin niya pa ito, eh. Why not!
The Reckless Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 209,989
  • WpVote
    Votes 2,831
  • WpPart
    Parts 10
Lakas-loob na nakipagpustahan si Elise kay Jarvis kahit na malaki ang posibilidad na matalo siya at maging alipin nito. Hindi niya rin naman kasi akalain na seseryosohin iyon ng lalaki kaya napasubo na siya. She gave her hundred and ten percent for her overall makeover. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nakilala siya bilang isang "playgirl" kahit na medyo edited version lang naman iyon ng katotohanan. Ngunit kung kailan akala niya ay tagumpay na siya, nalaglag ang panga niya sa sahig nang muli silang magkita ng lalaki makalipas ang sampung taon! Kung dati kasi ay fafable na ito, ano pa kaya ngayong nag-mature na ang mga assets nito? Puwede na nga siguro itong bigyan ng free pass sa Mount Olympus kung saan ito nababagay. The guy's a freaking god of hotness! Ano kaya kung magpaalipiin na lang siya rito? Hindi na siguro siya talo doon...