Adamant
- Reads 80,929
- Votes 3,568
- Parts 35
Hades University
[BXB|Mystery|Thriller|Fantasy|Horror]
Isang prestihiyosong unibersidad ang bigla na lamang naitatag sa bansa sa kasalukuyang taon, ang unibersidad na iyon ay pinangalanang Adhes University na ipinatayo ng isang pilantropo na biglaan din ang pagpasok sa mundo ng mga kinikilalang mayayamang tao sa mundo na agad niyang naungusan. Sa loob lamang din ng kasalukuyang taon ay naging mabilis ang pagiging tanyag ng Adhes University hindi lang dahil sa ito ang natatanging unibersidad na itinayo at sumakop sa isang buong isla, kundi dahil sa mabilis din na nakuha nito ang lahat ng mga unang pwesto sa lahat ng kompetisyon at eksaminasyon na kinikilala ng bansa at mundo.
Ang makapasok sa Adhes University ang pinapangarap ni Nico San Gabriel, ngunit dahil sa estado ng pamumuhay na meron siya na tanging ang kinikita sa pagpasok sa isang maliit na karinderya ang tanging pinagkakasya niya para sa sarili at pagtulong sa pamilya niya ay hanggang pangarap na lamang ito.
Ngunit paano kung ang pangarap mo ay magkatotoo? Ngunit ang pagkakatupad ng pangarap mong ito ay tila siya ding magiging mitsa ng buhay mo? Gugustuhin mo pa bang matupad ang pangarap mong ginhawa kung buhay mo ang siyang nakataya?