JonnalizaAmit's Reading List
6 stories
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 842,926
  • WpVote
    Votes 19,079
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 698,930
  • WpVote
    Votes 13,639
  • WpPart
    Parts 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,219,621
  • WpVote
    Votes 31,285
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 547,425
  • WpVote
    Votes 15,044
  • WpPart
    Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,460,294
  • WpVote
    Votes 28,733
  • WpPart
    Parts 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 597,716
  • WpVote
    Votes 12,024
  • WpPart
    Parts 18
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon? Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.