KristellMarviePaclib's Reading List
5 stories
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,092,812
  • WpVote
    Votes 187,602
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
TRUTH PREVAILS by UTAKAKO
UTAKAKO
  • WpView
    Reads 879
  • WpVote
    Votes 99
  • WpPart
    Parts 12
Pangarap ni John Erl Melendez ang maging detective.Kaso mahina siya sa klase, laging zero ang nakukuha niya kapag mayroong quizzes at exams sa kanilang classroom. Mayroon siyang dalawang bestfriend sina Frederick Silva na ang palayaw ay Fedong at Philip Blanco o Pidong. Mga walang pangarap sa buhay kundi ang guluhin lagi ang kanilang seatmates or classmates. Si Kristine Lucena ay tinaguriang The Walking Google. Bawat terminology ng salita ay alam niya ang depinisyon nito. Kabaliktaran ni John Erl, laging top sa klase si Kristine. Ano kaya mangyayari kung magco-cross ang landas ng dalawang ito? Ang Wanna Be Detective at ang The Walking Google?
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,624,244
  • WpVote
    Votes 623
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,466,432
  • WpVote
    Votes 583,716
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
Voiceless ♪ by HaveYouSeenThisGirL
HaveYouSeenThisGirL
  • WpView
    Reads 13,224,087
  • WpVote
    Votes 29,671
  • WpPart
    Parts 2
Voiceless is now a published book. Where to buy it? Go to this link: bit.ly/hystgbook A story of a superfan and her favorite band. Until when can she consider herself a fan?