ian_lloydcruise's Reading List
10 stories
Gusto Kong Maging Plain Househusband! by a_supertramp
a_supertramp
  • WpView
    Reads 156,961
  • WpVote
    Votes 4,388
  • WpPart
    Parts 39
"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?" pagbasag ko sa katahimikan. "No, it will retard the effect of the oxidation." nakakaloko na itong si Kevin ha. "Maybe we should sit down?" mungkahi ko. "No. Same effect. It will retard oxidation." sabi nya. Kaya ayon, magkaharap kami. Pinipigilan ko ang aking kalibugan. Malapit ng mapigtas ang pisi ko! Gumalaw si Kevin at dinampot nya yung kanyang pantalon at kinuha ang kanyang telepono. Kinalikot nya ito at nagpatugtog. Tumunog ang Wicked Game ni Chris Isaak. "Really?" bulong ko. Ito yung kanta na laging nangunguna sa serbey na pinapatugtog habang nagse-seks. Malikot itong isip ni Kevin. Kinuha ko yung telepono sa kanyang kamay pagkatapos ng tugtog. Ako naman naghanap ng kanta. Justify My Love ni Madonna. "Nice." ngumisi sya na nangaakit. Pinikit ko mga mata ko at dinibdib ang kanta. Pinangatwiranan ko ang nararamdaman ko para kay Kevin. Libog lang ito. Ayokong madarang sa pag-ibig. Ayokong masaktan muli.
Ama, Anak at Ako by RaldsBox
RaldsBox
  • WpView
    Reads 888,236
  • WpVote
    Votes 2,338
  • WpPart
    Parts 6
Ama akong maituturing pero ang sarili kong anak ay napapabayaan ko na. Abala ako sa Kumpanya. Nabago ang takbo ng aking buhay nang dahil sa isang maling daan. Anak ako.... well i love party, drinks, drugs and ofcourse girls! girls! girls Lahat nakukuha ko! Wala akong pakialam sa aking Ama may sarili siyang mundo. May sarili din akong mundo. Buti nalang nandyan ang kaibigan ko na laging sumusuporta. Ako isang bayarang lalaki. Di ko alam kung masasabi ko ba na isa akong maruming lalaki. Tignan mo ako kung masasabi mo nga yun. Gusto mo ko tikman pwes pumila ka. WARNING: KUNG INAAKALA MONG ALAM MO NA ANG MANGYAYARI. PWES MALI KA DAHIL MAS BOLDER AT SEXIER AND LOTS OF TWIST....... ENJOY!
The Bodyguard by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 226,960
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 6
Paano kung isa ka lang Bodyguard ng guwapo, sikat at matalinong anak ng Presidente. Isa pa'y alam mo sa sarili mong "straight" ka ngunit ngayon ay may gumugulo na sa iyong pagkatao. Paano ang girlfriend mo? Paano ang "career" mo kung ang tibok ng puso ay iba na ang binubulong? Padadaig ka ba sa bulong ng puso o susundin ang sigaw ng isip.
If It's All I Ever Do by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 75,392
  • WpVote
    Votes 392
  • WpPart
    Parts 5
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin! -Romel Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo... Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo... MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
Pedestal (Ang Superstar Actor at Ako) by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 115,885
  • WpVote
    Votes 384
  • WpPart
    Parts 3
Magkaiba ang mundong ating ginagalawan. Iisa ang ating pinagmulan ngunit magkaiba ang mundong ating tinatahak. Tinitingala ka, pinagpapantasyahan, kinikiligan, iniidolo... samantalang naiwan ako sa babang tumitingala sa iyong kasikatan. Ngunit paano ngayong hindi na lang isang fan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita, alam kong iyon din ang tibok ng iyong puso. Ngunit paano magtatagpo ang mundo ko't mundo mo lalo pa't sa paniniwala ng lahat ng tao, nagmamahalan kayo ni Erin? Kailangan bang samahan kita sa mundo mo para lang tayo magkasama tayo? Kung pareho na ba tayo ng mundo ginagalawan, mapapansin mo na din kaya ako? Ipaglalaban mo na ba ang ating pagmamahalan o ipagpapalit mo ako sa natamo mong kasikatan? Paano kung maagaw ko ang ningning ng bituin mo, handa mo bang ipatalo ang mundo mo at samahan ako sa mundong alam kong liligaya tayong dalawa o pipilin mong ipaglaban ang pinaghirapan mong pedestal kapalit man nito ng pagkasira ng aking pagkatao. Isa lang ang kailangan mong piliing Pedestal? Ang pedestal na pinalilibutan ng kamera at mata ng iyong mga tiga-suporta o ang pedestal sa puso ko ngunit ipapangakong ibigay ang saya at buong atensiyon ko sa'yo?
STRAIGHT by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 188,421
  • WpVote
    Votes 991
  • WpPart
    Parts 5
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
ONE NIGHT STAND by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 211,912
  • WpVote
    Votes 1,132
  • WpPart
    Parts 5
Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing pagtatalik. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino. Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman. Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi. Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho. Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.
Nang Lumuhod si Father by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 169,514
  • WpVote
    Votes 856
  • WpPart
    Parts 5
Pagkatapos ng nobela nating "Everything I have" na tumalakay kung gaano kahirap ang ipaglaban ang iyong pagmamahal laban sa sakit o kamatayan, ang nobelang "Chaka (Inibig mo'y Pangit) na naghatid sa atin ng kuwento tungkol sa pag-iibigan laban sa ibang tao, ngayon naman ay dadalhin tayo ng ating bagong nobela sa kakaibang pagmamahalan laban sa ating Diyos na lumikha. Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig kung ang pagsilbi sa Diyos ang iyong katunggali? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa bawal na pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan. Note: Mangyaring basahin muna ang Everything I have at Chakka (Inibig mo'y Pangit) dahil may kinalaman ang mga iyon sa kuwentong ito.
Mahal Kita, Hanggang Sa Huling Laban by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 165,000
  • WpVote
    Votes 731
  • WpPart
    Parts 5
Kahit iba ang ipinaglalaban mo sa ipinaglalaban ko, kahit pa magkasalungat ang paniniwala mo't paniniwala ko, umaasa akong mapag-iisa tayo ng tibok ng ating puso. Mahirap kang ipaglaban, mahirap kang hanapin sa gitna ng mga sigalot ng ating mga digmaan ngunit sana mahanap mo ako sa puso mo, sana maipaglaban at mapagtagumpayan natin ang tunay na sinisigaw ng ating damdamin laban sa hindi na matapos-tapos na bangayan ng hukbong ating kinabibilangan. Saan tayo dadalhin ng ating pagmamahalan? Hanggang kailan natin maipaglalaban ang ating pag-iibigan at kapayapaan? Mahal kita, alam kong mahal mo din ako, ngunit patuloy tayong pinaglalayo ng prinsipyo ng magkalabang grupo. Sana Zanjo, maramdaman mong Mahal kita, hanggang sa huling laban! -Patrick
Rebound Of Foul Hearts by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 192,819
  • WpVote
    Votes 724
  • WpPart
    Parts 5
Sa laro ng mga barako't astig, paano kung may namumuong hindi maipaliwanag na kakaibang damdamin sa pagitan ng isang sikat na basketbolistang tinitilian at pinapangarap ng lahat at ng isang guwapo at mas batang nagsisimula palang makilala. Saan sila dadalhin ng kanilang tunggalian sa laro at pagkamit sa respeto ng kanilang mga fans. Anong kaya nilang gawin para patuloy nilang matakasan ang pinipigilan at nilalabanan nilang bugso ng pagkagusto sa isa't isa. Paano kung ang simpleng atraksiyon sa mabilisang mga sulyap, ang kuryenteng nabubuo sa tuwing nagkakabungguan sila sa paglalaro at ang pagtatangi kapag nagkikita sila bago at pagkatapos ng laro ay kusa nang sumasabog. Paano nila haharapin ang kaibahan nila sa kanilang mga kasamahan? Paano nila mapapanindigan ang kanilang pagmamahalan sa mundong kanilang ginagalawan?