kcjr34's Reading List
164 stories
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS) by KeichiYeol
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)
KeichiYeol
  • Reads 1,225,093
  • Votes 33,036
  • Parts 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most importantly,LOVE NATURALLY and don't ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way your heart knows《 SUZANA ALFONSO_Mabait, Maganda, matalino at kontento na sa simpling buhay. She met this young boy who changed her life, until she lost him. Can she recognize him in the future? lalo na't ang batang kilala nya noon ay ibang-iba na sa hinaharap. Makikilala ba nya ito or ang puso nya mismo ang makakaramdam na ito ang batang minahal nya noon. JAKE MONTERELAOS_Cold attitude, minsan lang ngumiti. But everything's changed when he met the woman whom he wants to marry in the future. Ngunit kaya ba nitong aminin sa dalaga ang totoo nyang nararamdaman? gayong itinuring sya nitong bunsong kapatid?. First Story of MONTERELAOS_BOS(Series #1)
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing
TheRealMinieMendz
  • Reads 592,562
  • Votes 11,765
  • Parts 24
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo. Copyrights 2017 © MinieMendz
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
TheRealMinieMendz
  • Reads 2,078,646
  • Votes 45,962
  • Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
TheRealMinieMendz
  • Reads 852,111
  • Votes 18,693
  • Parts 31
Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagtatrabahuan niya ang magkakaibigang estudyante, at may nakapukaw ng kanyang pansin. Ang isa sa mga estudyanteng titig na titig sa kanya. Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin kaya binalewala na lang niya. Ngunit hindi niya akalaing hahantong sa puntong magkakagusto sa kanya ang mas bata sa kanyang si Edward. Masugid itong sinusuyo siya hanggang sa gawin nito ang lahat ng pinag-uutos niya kahit na maging babaero ito dahil lamang sa pagsunod sa lahat ng utos niya. Hindi niya mapigilang mahulog rito sa kabila ng malayong agwat at kanyang nakaraang hindi masabi sa binata. Muli siyang nahulog sa isang lalakeng sa huli ay iiwan siya dahil sa maling akala. Umibig na siya nung una sa dating kasintahang si Max na naging dahilan kung bakit ang pagkatao niya ay puno ng pait at lamig. Nais niyang magpaliwanag kay Edward ngunit hindi nito pinakinggan ano mang paliwanag niya, bagkus ay tinawag pa siyang mitress ng ama nito. Ginawa lahat ni Arwena upang patunayan ang sarili at may makamit sa sarili. Bumalik si Edward matapos ang ilang taon, at sa pagbabalik nito ay isang mailap at malamig na trato ang sinalubong nito sa kanya. Maibabalik pa ba ang dati kung ang katotohanan ang magiging dahilan para siya naman ang makaramdam ng pait at galit para kay Edward? Maitatama pa ba ng pag-ibig ang naging dahilan ng lahat? At huli, makakamtam na ba niya ang hustisyang kay Edward lang pala niya matatagpuan?
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED) by TheRealMinieMendz
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
TheRealMinieMendz
  • Reads 1,161,622
  • Votes 25,270
  • Parts 32
Si Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan man pero ginawa niya ang bagay na alam niya na wala ng takas pa ang babaeng iyon sa kanya. Si Joe Lin Ramos, ang babaeng inibig ni Drake. Dahil sa isang dare ay meron siyang nasaktan na tao. Pero hindi niya inaakala ng sapilitan nitong pakasalan siya. At ang alam niya ay isa lang ang dahilan.. Upang gantihan siya.
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing
TheRealMinieMendz
  • Reads 1,194,944
  • Votes 24,599
  • Parts 33
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista. © MinieMendz
Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITED by TheRealMinieMendz
Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITED
TheRealMinieMendz
  • Reads 729,414
  • Votes 18,622
  • Parts 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang tumakas para sa kanyang kalayaan. Sa tulong ng kaibigan na si Shin, ay nakaalis siya ng japan at sa pilipinas siya napadpad. Kailangan niyang magtago, at para hindi siya mahanap ng Daddy niya ay nagpalit siya ng profile, sa katauhan ng isang Jhaycee Akina Flores, na simpleng babae, mahirap sa buhay, at boyish um-awra. Nilunok ni Akina ang lahat at nagtiis sa ganoong buhay kung iyon lamang ang paraan para makamit niya ang pangarap na matagal na niyang inaasam. Sa pagpunta niya sa pilipinas ay hinanap niya ang taong kilala niya na lubos na makakatulong sa kanya---ang tinatawag niyang Auntie Isabelle. Tinulungan siya nito at pinatira sa bahay nito. Ito rin ang tumulong sa kanya upang ibahin ang imahe niya. At dahil sa amo nitong si Beatrice Ford ay nakapasok siya sa eskwelahan ng BF Island, kung saan makikilala niya ang pangatlo sa mga ford na si Diesel Aaron Ford, na isa sa tinaguriang campus crush, leader ng Bangtan boys, at isang singer at dancer. Si Diesel ang matatawag na cutie and lovable prince sa itsura nito, ngunit sobrang mainitin ang ulo, makulit, at kapag gusto niya ay iyon dapat ang masunod. Si Jhaycee ang isa sa nakaranas ng pambu-bully mula kay Diesel. Pero balewala lamang kay Jhaycee ang napaka isip-bata na pambu-bully ng binata. Dahil doon kaya lalong kumulo ang dugo ng binata para sa dalaga. At dahil din sa pambu-bully ni Diesel sa dalaga ay hindi niya aakalain na mahuhulog ang loob niya para rito. Lahat sa paligid ni Diesel ay tila nagiging rosas kapag naiisip lamang ang dalaga. Hindi pa niya maamin nung una, pero kalaunan ay naramdaman na ng binata na umiibig na pala siya sa dalaga. Copyrights 2017 © MinieMendz
His Darker Vengeance (Completed) by JeromeCaliente
His Darker Vengeance (Completed)
JeromeCaliente
  • Reads 662,562
  • Votes 10,982
  • Parts 58
BOOK II Matapos ng mga madidilim na pangyayari sa buhay ni Aleandra, nagkaroon siya ng sapat na lakas upang ipaglaban ang kaniyang karapatan. At kahit matagal na panahon na ang lumipas, ang pagmamahal niya sa lalaki na minsan na niyang pinaglaban ay hindi pa rin nawawala. Posible pa bang magkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkita kahit malayo na sila sa isa't isa? At kung magkita man sila, pareho pa rin ba ang pagmamahal na nararamdaman ng lalaki para sa kaniya? O kailangan niya na lang ba tanggapin na may mga bagay na hindi permanente at hiram lamang?