ellainepark
Truck, traysikel, kotse, bus o tren na kayang magdala sa isang indibidwal sa kani-kanilang destinasyon. Kailangan lamang ng gasolina para mapatakbo ang mga sasakyan na ito.
Ihambing mo lahat ng iyan sa realidad ng buhay. Kung anu-ano ang mga sangkap para ito ay tumakbo ng matulin at walang nasasagasaan.
Patatakbuhin mo ba ito, dahil sa naaayon, o dahil sa wala kang pagpipilian?
Pero, paano kung iyong paroroonan mo ay walang kasiguradohan? Walang katiyakan?
Gugustuhin mo bang maging pasahero o drayber ka ng iyong kapalaran?
Ang buhay ay isang gulong. Sa taas ka man o sa baba, may desisyon kang pinaninindigan.
(02/13/2015)-Friday the 13th.