iamkuyajun
Na-Friendzoned ka raw kapag ang taong gusto mo ay hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay sayo. Kapag todo effort ka naman sa pagpapapansin sa crush moh pero walang kemi at hanggang tingin lang eto sa mga posts, tweets at pagpapacute moh, naku yan ang tinatawag nilang SeenZoned. Paano naman kung ang taong naging malapit sa puso mo at naging mabuting kaibigan mo pa, yung tipong masyado na kayong close at may mga kilig moments na kayo together pero ang tingin lang pala sayo ay parang kapatid lang. Ouch! When a person treats and look at you as a brother or a sister and nothing beyond that, naku parang pinagsamang friendzone at seenzone lang yan, ikaw ay na- KapatidZoned! You read it right, Kapatid lang ang tingin at turing sayo at habang buhay ka nalang aasa na sana one day mas hihigit pa dun ang pagtingin nya.