beberose_28
- Reads 1,195
- Votes 123
- Parts 12
Anak ng isang Yakuza si Haruko at nag iisang anak na babae kaya naman kung ituring siya ng kanyang magulang at mga kapatid ay Prinsesa. Lumaking walang kaibigan si Haruko dahil ilag ang mga tao sa kanya, kaya naman bata palang siya ay kung ano anong sandata na ang hawak niya na naging laruan niya. Ang sabi nga ng kanyang ama sa kanya "Hindi niya kailangan ng kaibigan dahil sarili lang din niya ang kanyang aasahan".
Nang umuwi sila ng kanyang Ina sa Pilipinas ay nagpasya siyang doon nalang mag aral. Gusto niyang baguhin ang buhay niya at gawing normal, gusto niyang maging masaya. Pero bago niya magawa iyon kailangan pa niyang pag aralan kung ano ang ginagawa o hilig ng mga tao sa paligid niya upang makasabay siya.
Dahil sa mga nakikita at napapanood ni Haruko inisip niya na big deal ang pagkakaroon ng boyfriend. Lahat nalang kasi ng nakikita niya ay boyfriend ang hinahanap. Kaya ng mapadalaw siya sa isang Mall at nakita ang lalaking iniligtas niya sa parking lot, hindi na siya nag atubiling tanungin ito kung pwede ba siyang maging boyfriend niya.
Let's wait on the next page to see what happens in Haruko's life and the man she chose as her boyfriend.
-Beberose_28
Start: 10/28/22
End: