NathanTalens
- Reads 131
- Votes 12
- Parts 23
Nagsimula ang kwento sa isang malaking kumpanya ng mga textile, Ang Miranda Enterprises, Inc. at ang CEO ng kumpanya ay si Ms. Angel Avenida Miranda, 29 years old. Siya ang pinakabatang naging CEO ng malaking kumpanya. Siya lamang ang bukod tangi na nagmana ng mga ari-arian ng kanyang tatay na si Don Acapulco Miranda matapos ito mamatay dahil sa malubhang sakit. Ang kanyang nanay ay pumanaw na simula pa noong bata pa siya kasabay ng kapatid niya dahil sa isang aksidente sa dagat.
Walang asawa si Ms. Angel dahil sobrang sungit nito at sakim sa lahat ng bagay. Lahat ng tauhan ng kumpanya ay takot sa kanya kasi mahilig magtanggal si Ms. Angel dahil lang sa mga simpleng pagkakamali.
Isang araw, nagwala si Ms. Angel dahil hindi natapos ang proyekto nila sa target date at pinagtatanggal ang mga executive officers niya. Nagpunta siya sa rooftop at nagpahangin pero makalipas ang ilang minuto ay bumagsak ang tore ng gusali dahil sa lakas ng hangin at natamaan siya nito. Paggising niya ay nasa ospital na siya. Bumangon siya at tinatanong ang Nurse kung ano nangyare sa kanya ngunit hindi siya ito naririnig. Nang lumingon siya ay nakita niya ang kanyang sarili. Tsaka lang niya nalaan na patay na siya.
Sumunod ay nagpakita sa kanya ang isang maliwanag na anghel, at sinabing susunduin na siya papunta sa impyerno. Humihingi ng isa pang pagkakataon si Ms. Angel para maitama mga pagkakamali niya. Pinagbigyan ng anghel ang hiling ni Ms. Angel ngunit sa isang kundisyon. Kailangan niya mahanap ang tunay na nagmamahal sa kanya sa loob lamang ng pitong araw. Biglang nawala ang anghel at natangay si Ms. Angel pabalik sa kanyang katawan. Muli siyang nabuhay ngunit pitong araw lamang ang binigay sa kanya para mahanap ang tunay na nagmamahal sa kanya.
Sino kaya ang tunay na nagmamahal kay Ms. Angel? Mahahanap niya kaya itong tao na ito?
Abangan :)