Historical 189's Da best ❣️
13 stories
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,330,883
  • WpVote
    Votes 196,696
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,657,906
  • WpVote
    Votes 307,102
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,159,251
  • WpVote
    Votes 182,172
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,586,597
  • WpVote
    Votes 585,950
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽  by enzopadilla_
enzopadilla_
  • WpView
    Reads 31,077
  • WpVote
    Votes 3,072
  • WpPart
    Parts 27
𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐞𝐧𝐠, 𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐫𝐚; 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟓𝟖𝟖, 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭 𝐊𝐫𝐨𝐧𝐨𝐬. 𝐇𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥𝐞𝐝 𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫, 𝟐𝟎𝟏𝟗, 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐞𝐭 𝐁𝐢𝐚𝐧𝐜𝐚 𝐘𝐚𝐩, 𝐚 𝐟𝐚𝐦𝐨𝐮𝐬 𝐚𝐜𝐭𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬, 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐬𝐡𝐞 𝐡𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐦 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐚𝐫. 𝐒𝐡𝐞 𝐡𝐚𝐬 𝐧𝐨 𝐜𝐡𝐨𝐢𝐜𝐞 𝐛𝐮𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥. 𝐇𝐨𝐰𝐞𝐯𝐞𝐫, 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐬 𝐧𝐨 𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐥𝐢𝐯𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫, 𝐬𝐨 𝐁𝐢𝐚𝐧𝐜𝐚 𝐛𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭 𝐡𝐢𝐦 𝐭𝐨 𝐡𝐞𝐫 𝐡𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐨𝐟 𝐡𝐢𝐦. 𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫, 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐰𝐨 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐟𝐚𝐥𝐥 𝐢𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫, 𝐛𝐮𝐭 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐫𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐞𝐫𝐚, 𝐨𝐫 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐡𝐞 𝐜𝐡𝐨𝐨𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐬𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐞𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐚𝐬𝐭 𝐛𝐞 𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞𝐝?
La Señora desde el Espejo by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 181,566
  • WpVote
    Votes 6,808
  • WpPart
    Parts 45
Isang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang patay ang dalaga dahil nabuhay ito noong panahon na sakop pa ng mga Español ang bansang Pilipinas at kinitil ang sariling buhay. Ngunit biglang dumating ang araw na makikita niya, harapan ang dalaga at ang akala niya ay minumulto siya nito. Laking gulat niya na totoo nga talaga ito at hindi niya alam kung anong dapat gawin lalo na't hindi ito pamilyar sa nakikita sa paligid. Story Started: September 18, 2018 Story Ended: April 21, 2020
One Last Wish- Complete by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 803,070
  • WpVote
    Votes 31,046
  • WpPart
    Parts 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuko na ngunit sa aking pagsuko ako ay tumingin sa Tala sa huling pagkakataon at naroon ka. Ikaw na hindi ko inaasahan. Naroon ka. Hanggang sa muli aking... tunay na minamahal.
Si Makisig At Si Marikit by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 29,496
  • WpVote
    Votes 1,371
  • WpPart
    Parts 13
Paano kung ang luka-lukang si Marikit ay mag time travel sa panahon kung saan uso pa ang mga datu, timawa at alipin sa Pilipinas? At makilala niya ang ubod ng tikas na si Makisig? Magpapakabog ba ang puso niya dito ngunit paano na ang pag-ibig niya sa kasalukuyang panahon?
El Hombre en el Retrato by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 562,497
  • WpVote
    Votes 17,143
  • WpPart
    Parts 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na hindi mapigilan ang sariling titigan ang portrait dahil palaging may nag-u-urge sa kanya titigan ito. Para siyang naaakit sa binatang nabuhay noong panahon pa ng Espanyol. Dumating ang araw na hindi niya inaasahan. Hindi niya inaakalang tatagos siya sa portrait na iyon. Ngayon nasa panahon siya kung saan nabubuhay si Simoun Pelaez at nakaharap rin ninya ang binata. Para siyang mababaliw dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya at lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay tinatawag siya sa pangalang Esmeralda! Date Started: April 25, 2018 Date Finished: September 16, 2018 Rank #1 in Historical Fiction (03/27/2019-03/08/2019) Rank #6 in Historical Fiction (01/30/2019) Rank #11 in Historical Fiction (05/09/2018-07/27/2018) Rank #25 in Historical Fiction (04/30/2018)
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 34,015,228
  • WpVote
    Votes 838,110
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017