MissNBaby
Schoolmate ni Hanani ang dalawang lalakeng prominente ang antas ng pamumuhay sa kanyang school.
Si Collin, kaklase niya sa BS Architecture na kanyang kurso. At hindi malayong kilala siya nito dahil sa kanilang mutual friend na si Rey. Matalino si Collin, guwapo malamang, at may sarili nang condo kahit nag aaral pa lamang ngunit ang kapilyuhan nito ang siyang nagiging problema ni Hanani.
At si Jaron, na pamangkin ni Collin. Tagapagmana ng kompanya ng kanilang pamilya at ang Governor ng kanilang campus. Matalino, tahimik, seryoso, at mapagmahal sa pamilya ngunit sa kagustuhan nitong maging pretend girlfriend niya nagiging komplikado ang lahat para kay Hanani.
Maayos parin sana ang takbo ng buhay niya kung hindi lang nagkasakit ang magulang niyang binubuhay silang magkakapatid. Maayos parin sana kung hindi niya nakakasalumuha ang dalawa.
Ngunit paano kung isa sa kanila ang magiging dahilan ng pag-angat niya? Sa nalulunod niyang sarili, sino kaya ang sasagip sa kanya mula sa kahirapang nararanasan niya?
Bubuksan niya kaya ang puso niya para kay sa seryosong si Jaron, o tuluyan na itong sasara dahil sa kapilyuhan ni Collin?