toreachyoubaby
Kung kailan nahanap ko na ang para sakin tsaka din ito nawala. Naglaho lang ito sa isang iglap. Kay tamis at puno ng sigla aming kahapon ngunit itoy nagbago nang maaksidente si Tisoy. Sabay naming pinangako simula nung bata pa kami na magsasama kami habang buhay at dito namin mismo sa ilog natu isinagawa ang isang pangako, ngunit ang pangakong dati'y masaya ay ngayoy naging isang pangarap na lamang. Isang pangarap na mananatili sa puso ko.
Iibig pa kaya ako sa kalagayang ito Tisoy?
Ba't hinayaan mo ang tadhanang sumulat ang tungkol satin?
Sana lumaban ka.
Kung nasan ka man ngayon sana, maipadama mo man lang sakin ang mga bisig mo.
Sana maipakita mo ang matatamis mong ngiti na syang nagpapaligaya sakin sa twing akoy nalulungkot.
Sana maranasan ko ang mga halik mong puno ng pagmamahal mo.