Aphrodite_29
Naransan nyo na ba ang mainlove? Hindi yung puchu puchung inlove lang ha! Yung kapag nakikita mo sya nags-stop ang paligid, para kayo'ng lumabas sa outerspace, parang tumugtug ang mga anghel at parang kayo'ng dalawa lang ang tao sa earth?
Hay! Naalala ko nanaman sya, ako nga pala si Kat Reyes at si Julian Santos ang One great love ko. Ang dami naming unfinish business, sana sa darating namin na reunion makita ko sya, kamusta na kaya yon. Pogi parin kaya? Macho na kaya? Mayaman? Baka may asawa na yon?! NAKO! Di pwede yun. Di ako papayag, sya ang dahilan kaya ako inaasar na losyang at magma-madre, believe it or not kaya wala akong boyfriend kasi inaantay ko sya. Kasi baka kailangan lang namin ng time para marealize nya na ako talaga ang para sa kanya, sana di pa huli ang lahat at sana tinupad na ni J ang wish ko since second year highschool ko.