AkimotoMiharu
ABOUT COLOMBUS
Colombus
is a home of multi-millionaire names in the business industry. Kilala sila sa
iba't ibang larangan. Tinitingala sila ng mga kababaihan at maging ng mga
kalalakihang humahanga sa kanilang kakayahan.
CAGED WITH a HOT CRAZY GUY
Isang pasaway ang tingin ni Trishia kay Aiden nang una
niyang makita ang lalaki. Nagsasayaw ito sa harap ng isang RTW store sa saliw
na rin ng musika na mula sa malaking speaker sa store na iyon. Siya na mismo ang
nahihiya para dito. Gwapo pa naman kasi at mukhang matino at hindi naman
mukhang baliw. Mukhang naliligo naman at hindi taong grasa, pero kung umasta
ito ay parang bagong takas sa mental hospital.
Nang magkita silang muli, nasa isang magarbong opening party
na ng Columbus Enterprise. Nakatuxedo ito, gwapo at napapaligiran ng
sangkatutak na mga babaena halos igitgit na ang sarili dito. Sino nga ba si
Aiden Alexander Lee? At bakit hindi niya
maalis ang mata niya rito?