BoyceLoverAll
- Reads 7,583
- Votes 26
- Parts 3
Walang trabaho, walang pera
Walang pera, walang pagkain
Walang pagkain, walang laman ang tiyan
Walang laman ang tiyan, magugutom
Magugutom, mamamatay
Mamamatay... e di mamatay lang
Gastos pa kaya ang pampalibing noh!
.
.
.
.
Hay ganyan ang mahirap talagang mahirap
Kailangan mong baliin ang iyong likod para kaawaan ka
Kailangan mong hindi maligo ng isang linggo kasi madumi ang tubig
Kailangan mong kumain ng basura, dahil free siya
Kailangan mong mamalimos para may pambili ng Magnum ice crean
Kailangan mong magpunas ng sasakyan para kung sakaling wala yung driver may macarnap ka
Kailangan mong gumawa ng krimen kasi libreng pagkain sa kulungan
Kailangan mong magholdap dahil hindi ka nangingidnap
Kailangan mong magnakaw, kasi gusto mo lang ng habulan, at pulis ang taya!
Pero lahat ng nasasaad ay walang kinalaman sa kwento ko
Oo mahirap ako, pero hindi ko ginagawa yang mga yan!
.
.
.
.
Isa akong palaban at walang inuurungan!
Dahil may inspirasyon ako!
Kailangan kong mahanap ang taong nagturo sakin kung pano lumaban
Kung pano hindi mawalan ng pag-asa
Ang taong nagbigay sakin ng isang regalo
Regalo na nagturo sakin na ngumiti sa bawat pait na ibato sayo ng kapalaran
.
.
.
.
Dahil sa kanya, naniwala ako sa tadhana
Dahil alam kong noong una kaming nagkita
Siya na ang lalaking mamahalin ko pang-habang buhay
Imposible man yun pero, kapag may pananampalataya ka
Matutupad ito
I believe destiny will lead us to each other once again
Because True Love Can Wait...