CindyCorpin's Reading List
53 stories
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 171,085
  • WpVote
    Votes 2,649
  • WpPart
    Parts 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa ang self confidence niya at mababa ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman ito mahirap mahalin. Inakala pa nga niya na may katugon ang nararamdaman niya sa binata pero nang magtapat siya dito bago ito umalis ng bansa, napatunayan niyang pakikipag-kaibigan lang pala ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makalimutan ito. Kahit ang makipag-usap sa mga kaibigan nito ay iniwasan niya mapadali lang ang magmo-move on niya. Paglipas ng limang taon ay hindi niya inaasahan na magkikita pa uli sila ng tanging lalaking minahal niya. Muli ay naging malapit siya dito lalo na nang magpanggap itong nobyo niya nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Hahayaan na naman ba niyang umasa ang puso niya na may pag-asang mahalin din siya ng lalaking hindi naman pala nawala sa puso niya kundi nagtago lang sa kaibuturan niyon? O nanamnamin na lang niya ang masarap na pakiramdam sa piling nito hanggang sa matapos ang pagpapanggap nila?
😊Finally Found You (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 86,965
  • WpVote
    Votes 834
  • WpPart
    Parts 5
Arabella's almost perfect world shattered when her fiance went missing on the day of their wedding. Ang masakit at wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito. Pinayuhan siya ng boss at kaibigan niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ng babae na sa resthouse ng pamilya nito sa Quezon magpunta. Ang akala niya ay makakapagpahinga siya ng maayos roon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili doon ay dumating ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya - si Jared. Pinsan pala ito ng boss niya at naroon din ito para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon at nagkasundo sila pareho na manatili doon. Magkasama sila sa resthouse pero wala silang pakialam sa isa't-isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyon na nadarama niya para rito. This beast was so damn hard to ignore!
NIGHTINGALE TRILOGY book 2: MAGBALIK (UNEDITED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 99,398
  • WpVote
    Votes 1,615
  • WpPart
    Parts 23
"Handa akong pagbayaran nang buong buhay ko ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Please, Bianchi Villanueva, pakasalan mo ako at maging alipin mo ako habang-buhay." Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit! Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina? At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki! Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya. Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan. 'Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan. Ouch!
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,697
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
Unconditional Love (COMPLETED)[Published under PHR] by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 186,586
  • WpVote
    Votes 1,647
  • WpPart
    Parts 11
"Na hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung 'yong taong pinagdadamot mo ay ang taong mahal mo." Maagang namatay ang mga magulang nila ni Vassyleen dahil sa isang car accident. Kaya mag-isa niyang pinalaki ang kapatid na si Valerie. Matindi ang trauma na dinanas nito dahil sa aksidenteng iyon. Kaya nong gumaling ito ay iniwasan na ni Vassyleen na bigyan ito ng dahilan para muling malugmok. Ginawa at ibinigay niya lahat kay Valerie. Pati ang sariling kaligayahan ay kinalimutan na niya. Kaya nang minsang mabigo ito sa pag-ibig at nagtangkang magpakamatay ay namuhi siya sa lalaking nagpaiyak sa kapatid niya. Hanggang sa mapadpad siya sa probinsiya ng Baler. Doon niya natagpuan ang lalaking kumumpleto sa buhay niya-si Klyv. Ipinaramdam nito sa kaniya ang pag-aalaga at pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Dahil doon kaya minahal niya ang binata. Malapit na sana silang magkaroon ng
Ang Lalaking Nagmahal sa Akin by demiidamnn
demiidamnn
  • WpView
    Reads 493
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 1
Territorio de los Hombres Series 4 Batch 1: Urbino Caleon  (Published by PHR) by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 256,793
  • WpVote
    Votes 5,893
  • WpPart
    Parts 23
"I wanna marry her and put her up on a pedestal if only she'd let me." Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pagkakaroon niya ng anak na walang nagisnang ama. Hindi siya naghahanap ng katuwang sa buhay. Kontento na siya sa pagmamahal ng kanyang anak. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya si Urbino-ang dating nobyo ng kanyang kapatid at matagal na niyang lihim na minamahal. Para itong hulog ng langit na naging sagot sa kanyang mga dasal. Napakalaki ng puso nito para tanggapin ang lahat-lahat sa kanya, pati na ang ginawang pag-iwan kay Urbino ng kapatid niya sa araw ng kasal ng mga ito. Ipinakita ng lalaki ang labis na pagmamahal kay Kristina at inalok pa siya ng kasal. Dahil doon ay nagsimula siyang humabi ng mga pangarap-pangarap na agad ding gumuho nang sa araw ng kanilang kasal ay hindi dumating ang lalaki...
Ang Astig Kong Pag-ibig (COMPLETED) (Published Under PHR) by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 95,206
  • WpVote
    Votes 1,348
  • WpPart
    Parts 5
"Siguro nong ninakaw mo ang wallet ko ay sinama mo na rin ang puso ko. You snatched away my heart kaya siguro ganon na lamang ang pagnanasa ko noon na makita kang muli. Para habambuhay na ikulong sa piling ko."
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,893,907
  • WpVote
    Votes 30,618
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...
The Cursed Bride (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 151,361
  • WpVote
    Votes 1,819
  • WpPart
    Parts 7
Published under PHR