Missmix16's Reading List
194 stories
Andrei, The Sweet Punisher (Completed) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 101,468
  • WpVote
    Votes 2,161
  • WpPart
    Parts 10
Andrei, The Sweet Punisher By: Gezille Teaser: "Parang gusto na kitang sakalin sa pagiging manhid mo." Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Gizelle at Andrei. Para kay Gizelle, si Andrei na ang pinakamasungit na nilalang na ginawa ng Diyos. Kaya nang muling magtagpo ang mga landas nila at malaman niyang ito pa pala ang boss niya sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan, hindi niya naiwasang himatayin. Iyon na yata ang pinakapangit na joke ng tadhana sa kanya. Lalo na nang magsimulang umusbong ang paghanga sa puso niya para sa walang-kasinsungit na lalaki nang magsimula siyang magtrabaho rito. Ngayon, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang huwad na pagsintang-purorot sa lalaking habit na yata ang magalit sa mundo.
Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 104,289
  • WpVote
    Votes 1,973
  • WpPart
    Parts 10
"I don't care about what other people might say. I love you and I'm willing to fight for you." Mutsatsay ang papel ni Yani sa buhay ng kanyang evil auntie at evil cousins. Nagngingitngit man ang kalooban, pilit siyang nagtiis dahil ang mga ito na lang ang natitira niyang kamag-anak. Pero 'ika nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Kaya nang masaid ang pasensiya, palihim siyang nag-alsa-balutan at nilayasan ang mga kamag-anak. Mabuti na lang at to the rescue ang kanyang BFF a la fairy godmother na naging daan para makilala niya ang Prince Charming na si Tyler Hernandez. Perfect na sana ang mala-Cinderella story ni Yani. Pero kung kailan feel na feel na niya, saka naman siya nagising sa katotohanan. Paano nga naman mauuwi sa happily ever after ang damdamin niya kay Tyler gayong hindi prinsesa kundi dakilang alalay lang siya ng binata, na malabong makatuluyan at malabong mahalin?
MECHANIC OF THE DAY : MR. SUAVE (Men in Blue) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 61,487
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
Nandidiri si Dulce kay Galileo dahil lagi itong nanlilimahid sa langis at grasa. Ganoon na nga ang lalaki pero nuno ng yabang at matindi ang bilib sa sarili. Never na papatol siya sa isang kagaya ni Galileo. After ten years, hindi akalain ni Dulce na makikita niya uli ang lalaki. Hindi niya akalain na aasamin niyang makulong sa malangis at magrasang mga braso nito...
When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 126,499
  • WpVote
    Votes 2,621
  • WpPart
    Parts 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito para sa kanya. Pakiramdam din niya, kapag kasama niya ito ay walang sinumang puwedeng makapanakit sa kanya. She was not born yesterday. Alam niya kung saan hahantong ang nangyayari sa pagitan nila. The attraction was too strong to resist. May malaki nga lang problema: she was already engaged to be married.
My Sweetest Wish (published by PHR - circa 2011) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 54,447
  • WpVote
    Votes 1,087
  • WpPart
    Parts 11
an old PHR novel - dahil sa community quarantine, bigyan ko kayo ng konting paglilibangan. 2nd book ko ito na na-publish yeaaaaars ago. enjoy!
That One True Thing by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 262,337
  • WpVote
    Votes 5,811
  • WpPart
    Parts 40
Nang magkaproblema si Psyche dahil sa inirereto ng mga magulang niya, i-v-in-olunteer ni Tep ang sarili nito na tulungan siya. Nag-click ang "loveteam" nila ni Tep. Napaniwala nila ang mga magulang niya, naitaboy ang inirereto sa kanya. At dahil yata masyadong na-internalize ni Tep ang role bilang boyfriend niya, tuluyan nang nahulog pati ang loob niya. Dahil sa nararamdaman niya, hindi na siya nag-isip. And they found themselves caught in a situation a lot more complicated than what they had initially planned.
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,525
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?
Taming Ms Disaster's Heart (Published Under PHR) by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 277,433
  • WpVote
    Votes 7,093
  • WpPart
    Parts 14
Taming Miss Disaster's Heart By La Tigresa 42php "Sa tingin mo ba hindi ako apektado sa pagngisi-ngisi mo o sa pag-irap o tawa mo? You have no idea how my heart throbs everytime I see you..." Hindi nakatanggi si Trace De Marco nang ipadala ni Atty. Alejandro Banderas ang apo nito sa kanila sa Calatrava para sa isang buwang bakasyon. Trace had heard so much about Christine Joy "Nowan" Gonzales hindi pa man niya nakikita ang babae. Quarrelsome, impulsive, rough and unrefined. Kung mayroon man siyang gustong gawin kay Christine Joy, iyon ay ang putulin ang sungay nito. Magagawa nga kayang turuan ni Trace ng leksiyon si Christine Joy kung may ilang mahahalagang bagay na nakalimutang banggitin sa kanya si Atty. Alejandro tungkol sa apo? The old man forgot to mention that Christine Joy was the eleven-year-old "crazy" little girl Trace promised to marry ten years ago. Sinadya rin ba ng matanda na huwag banggitin na kahit "crazy" pa rin ang apo, si Christine Joy naman ang klase ng babaeng papangarapin ng bawat Adan sa mundo? #LaTigresa #PreciousHeartsRomances #Phr #TraceDeMarco ====== Wattpad Highest rank : # 188 in Romance Top 2 Precious Hearts Romances Best Seller for the month of August 2018
When I See You Smile (published under Phr completed)    by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 139,101
  • WpVote
    Votes 2,474
  • WpPart
    Parts 10
Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa harapan pa mismo ng opisina niya. At siya ang nahihiya sa pagbuyangyang nito ng katawan doon. Chazel was a conservative type of woman, at mahalay para sa kaniya ang makakita ng mga lalaking halos nakahubad na. Pero tila naman pinaglalaruan sila ng tadhana ni Race. Kahit saan siya magpunta ay biglang sumusulpot ito sa kung saan. He roled like a knight inshining armor to rescue a damsel in distress. Siya ang tinutukoy na damsel. Tulad ng mga love stories and fantasy, siyempre ay may kontrabida. Starr roled the 'kontrabida' part. Pero kabaligtaran ang nangyari; ang kontrabida ang minahal ng hero? How sad!
The Artist's First Love (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 95,912
  • WpVote
    Votes 1,544
  • WpPart
    Parts 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ... Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n! https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/ https://www.preciousshop.com.ph/home/ https://preciouspagesebookstore.com.ph/ https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/ https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/