Pinoy_Tsino
Original Title: 逐玉
Author: Tuan Zi Lai Xi
Sypnosis:
Matapos mawala ang kanyang mga magulang, tila gumuho ang mundo ni Fan Changyu. Pinawalang-bisa ng kanyang kababata ang kanilang kasunduang magpakasal, habang ang mga sakim naman niyang kamag-anak ay nag-aabang na masamsam ang kanyang mamanahin.
Dahil determinadong protektahan ang kanyang limang taong gulang na kapatid, gumawa si Fan Changyu ng isang matapang na hakbang: maghahanap siya ng lalaking papayag sa "Zhaozhui" (isang kasunduan kung saan ang lalaki ang maninirahan sa pamilya ng babae).
Ang napili niya? Isang lalaking dati niyang sinagip-puno ng sugat, walang kahit isang kusing, at tanging ang kanyang kakisigan lamang ang puhunan.
Mabilis silang nagkasundo, kukupkupin niya ang lalaki at gagamutin ang mga sugat nito, kapalit ng isang huwad na kasal para mapangalagaan ang kanilang ari-arian. Nang maging matatag na ang negosyo ng pamilya, handa na si Fan Changyu na tuparin ang kanyang pangako at ihanda ang kasulatan ng kanilang paghihiwalay.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Naglabas ng utos ang imperyo para sa sapilitang pagsasundalo, at ang kanyang asawa ay kinaladkad upang lumaban sa digmaan. Naglaho siya nang walang bakas.
Nang muli silang magtagpo, natagpuan niya ang lalaki sa isang tolda para sa mga sugatan, nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Ang kanyang mukha, bagaman punuan ng mantsa ng dugo, ay taglay pa rin ang dati nitong kisig, ngunit ang suot niyang uniporme ay luray-luray na.
Sa tindi ng habag na naramdaman ni Fan Changyu, hindi niya napigilang maiyak.
"Huwag ka nang magsunud-sundalo. Umuwi na tayo-mag-aalaga ako ng mga baboy para mabuhay kita."
Ang lalaki, na halos mawalan na ng malay, ay dumanak ang dugo sa bibig habang umuubo.
"'Di ba... hihiwalayan mo na ako?"
Puno ng luha ang mga mata ni Fan Changyu.
"Hindi na. Hinding-hindi na!"