ImEuphie
Ako yung babaeng pagkinausap ng nagugustuhan kong lalaki, kinikilig, gumaganda ang araw, at hindi na makatulog dahil rinereplay ang buong nangyari sa kama.. Pero yun pala kinausap ako dahil na bo'bored siya.
Ako yung babaeng nagkakagusto agad sa lalaking tinutukso sa akin ng aking mga kaibigan. "Uiii, si *** oh...," "Panay ang tingin niya sayo friend! Uiiiii..," "Friend ang lagkit ng tingin sayo oh...," "Ano ka ba huwag ka ngang ganyan. Nakakahiya," Hanggang umabot sa point na binigyan na ako ng regalo sa valentines day tapos malalaman ko lang na ang gusto pala niya talaga ay ang kaibigan kong tumutukso sa aming dalawa. Sinakyan lang daw niya kaibigan ko para hindi halata. Eh panu naman ako?? Heto! Nag assume! Grabe kayo.. Sa dami ng ibang babae dyan para ganituhin niyo.. BAKIT AKO?!
Paki explain.. LABYU!